Kailangan

by Sankage Steno

Buti na lang wala yung boss ko. Andami ko kayang natanggap na tawag ngayon sa smartphone. Bukod d’yan, me mga nag-text din, nag-PM sa Facebook at nag-DM sa Twitter. Wow. Anong meron? Last day ko na ba sa earth?

Nakakapanibago lang. Bihira na kasi yung nagte-text sa ‘kin ngayon. And I’m not complaining. Madalas kasi e sa social media na ang usapan. At lalo namang bibihira yung tumatawag sa ‘kin sa phone. Pero iba talaga yung araw na ‘to. At alam mo ba ang common denominator nilang lahat na kumonek sa ‘kin today?

Lahat sila e humingi ng tulong.

Now, normally, maiinis ako kasi nasa gitna ako ng tarbaho, busy, stressed, tapos biglang sisingit yung mga humihingi ng favor. Ano ako, si god? Well, pwede naman. Yes, megalomaniac. Pero hindi ako nainis ngayon. Siguro malaking factor na wala yung boss ko so pwede akong mag-multitask at mag-entertain ng personal activities.

Malaking factor din na love ko naman yung mga humihingi ng favor.

Nung medyo nakapag-contemplate ako sa moment na ‘to, naisip ko, ansarap din pala sa pakiramdam na me mga taong nangangailangan ng tulong mo. It feels good to be needed by someone. Naks! Iningles ko pa as if namang hindi nakakaintindi ng Tagalog yung mga reader ko rito. Pero, seriously, ang sarap sa pakiramdam nu’n, di ba? Na me taong kailangan ka?

Pero wala pa ring tatalo kapag me taong hindi kayang mabuhay nang wala ka sa kanyang piling. Eto talaga yun e. Eto talaga yung gusto kong tumbukin sa simula pa lang. Me mga palabok lang ako sa una, beating around the bush, mga cliché-cliché ganyan, pero sa huli huhugot din ampota. Taragis. Pasensya na.

E wala, sa na-enjoy ko yung feeling kanina na sa ‘kin sumangguni yung mga tao para matulungan ko sila, anong magagawa ko? Saka bigla na lang sumagi sa isip ko na, shet, pa’no pa kaya kung yung The One na yung lalapit sa ‘kin at hihingi ng favor? Kilig to da bones nampotek ‘yan o. Lord patawad please help me cigarette smoking is dangerous to your health this is a paid advertisement.

Is there something wrong with that?

Saka ano ba naman yung enjoyin mo yung feeling na me nangangailangan ng tulong mo o sa ‘yo mismo? Ikaw na nga ‘tong maaabala at magbibigay ng favor, ta’s ikaw pa ‘tong mambubwisit sa sarili mo? Hindi maganda sa pakiramdam ‘yon. Naranasan ko na rin. Ako na nga yung tumulong, ako pa napasama at nainis. ‘Wag ganu’n.

Kaya matutuwa na lang ako dahil me nangangailang ng tulong ko. I’m still relevant in this world.