Good job, Duterte

by Sankage Steno

Buti na lang talaga at nagpasya si Duterteng ‘wag nang tumakbo sa pagkapangulo sa isang taon. Mas malaking tulong ‘yon sa bansa. I salute him for that. Sana di na magbago ang isip n’ya. To be honest, I’m not a fan, ayoko sa kanya as a leader, pero fan ako ng Davao City dahil maganda s’ya at mura ang bilihin.

Para sa maraming fan n’ya at nag-register lang para maiboto s’ya, I’m sorry. Yung klase ng pamumuno ni Duterte e hindi nababagay para sa demokrasyang pinapairal natin sa bansa. Siguro mabisa nga yung pamumuno n’ya sa Davao City, pero hanggang du’n lang ‘yon. I don’t think effective s’ya kapag inapply na sa buong Pilipinas.

Ayokong maging pangulo si Duterte dahil baka maulit ang martial law. Hindi n’ya kasi sinusunod ang batas, ang rule of law. S’ya mismo ang batas. Basta may nakita s’yang kriminal, ipapapatay na n’ya. Wala nang hearing. Wala nang imbestigasyon. E pa’no kung ikaw yung “kriminal” na ‘yon? Pa’no kung ikaw yung lumabag sa batas? Kawawa ka naman.

Ang isa pang problema kay Duterte, yung mga pinapapatay n’ya e maliliit na kriminal lang. Yung adik d’yan sa kanto, yung turistang naninigarilyo, yung mahihirap na nangungupit. May pinapatay na ba s’yang drug lord? May  pinapatay na ba s’yang kurakot na pulitiko? May pinapatay na ba s’yang mayaman?

Wala.

Puro mahihirap at maliliit na offenders lang ang kaya n’yang pataubin. Kung mauutusan din n’ya yung kanyang death squad na ipapatay si Binay, si Marcos, si Estrada, si Arroyo, si Revilla, si Napoles, si Palparan, fine, sige, magdadalawang-isip ako. Baka sakaling gustuhin ko na rin s’ya.

Pero that is not the point. Tayo kasing mga Pilipino, mas gusto natin yung kamay na bakal. Yung may tatay na papalo sa atin kapag may ginawa tayong mali. Hindi natin kayang disiplinahin yung sarili natin. Kung walang manghuhuli, kung walang sasaway, lalabagin natin yung batas. Kanya-kanya tayo ng diskarte pagdating sa totoong buhay.

Just look at EDSA.

At iniisip nating si Duterte yung tatay na ‘yon na magdidisiplina sa atin. We’re so immature like that. Now, this is understandable. Normal sa isang bansang dumanas ng pananakop at ng diktadurya ang ganitong pag-uugali. Dahil ilang beses tayong inalipin at pinahirapan bilang isang lahi, naukit na sa kultura at sa pamumuhay natin yung kanya-kanyang diskarte at para-paraan para maka-survive… kahit pa labagin yung mga batas.

But we have to grow as a people. Hindi pwedeng ganito lagi. Pwede siguro si Duterte kung panandalian lang. Pwede s’yang lider kung katatapos lang nating dumanas ng isang digmaan o isang matinding kalamidad at paralisado ang halos lahat ng institusyon sa bansa. Pero kung gumagana naman kahit papa’no yung mga ahensya at sistema natin, bakit kailangan pang baliin yung batas?

Hindi isang Duterte ang kailangan nating pinuno. Ang kailangan natin ay yung susunod sa batas at mahigpit itong ipapatupad kahit pa masagasaan n’ya yung malalaking tao sa bansa. At kapag sinabi kong ipapatupad yung batas, hindi kasama du’n yung pagpatay. Wala po tayong death penalty, at hindi rin ako pabor dito for the same reason na hindi ako pabor kay Duterte: Puro mahihirap at petty criminals lang ang napapatawan nito.

Looking at our potential presidential candidates right now, parang walang swak. Lahat kulang. Pero kailangan pa ring pumili. Bumoto ka man kasi o hindi sa isang taon, meron at meron pa ring mananalo. Ang malaking tanong: Sino?