2-0

by Sankage Steno

Putongama! Putangina! Shet! Shit! Tae! Totoo ba ‘to? Tinalo ng UP ang La Salle sa basketball? No way! Yes way! OMG. Magpapa-canton ako! Asan na ang bonfire? Bonfire na please! ‘Wag na tayong maghintay ng Final Four.

Ay wait, ‘wag pala muna. Baka mabalis. Sige, wait na lang muna sa Final Four.

Grabe, akala ko nung una tsamba lang yung pagkapanalo ng UP laban sa UE, ta’s ngayon… wow. I believe. Totoo na ‘to. Hindi na ‘ko nananaginip. Hindi lang pala kami sinuwerte o pinagbigyan.

Anyare bigla? Ba’t gumaling yung basketball team namin? Nagpalit ba ng coach? Si Henry Sy na ba ang backer ng varsity team? Sa’n nila nakuha yung mga players ngayon? Datihan na ba sila? Andami kong tanong pero tinatamad akong mag-research. Baka may alam ka, comment mo na lang.

Take note: Walang special consideration/treatment/mami na binibigay ang UP sa mga athletes o members ng varsity team. Kailangan pa rin nilang paghirapan ang acads kasabay ng matinding training. Athletic na, matalino pa. Grabe, idol ko talaga sila. Ang galing. Well, UP nga e, duh. Pero, tae, ang galing pa rin. Para na ‘kong pirated CD. Shet, ang galing talaga. Woooh!

Mukang mauulit yung time ni Benjie Paras a. Sana naman. Nananalangin ako sa lahat ng estatwa sa UP, kay Oble, yung mga babae sa harap ng FC, kay Bonifacio, at kung sino-sino pa d’yang hindi ko na maalala, please lang, paabutin n’yo sa Finals at sana, well, alam n’yo na ‘yon. Pramis, manonood ako sa Big Dome o sa MOA Arena. Kahit saan pa ‘yan…

‘Wag lang sa Philippine Arena.

Sana makaranas ako ng championship in this lifetime. There’s hope! Nakita ko na ngayon. Shet, sana makapanood ako nang live. Ay wait, ‘wag na lang. Baka ako pa yung jinx. Pero ‘pag umabot sa Final Four, manonood talaga ako.

Ang saya lang talaga. Ngayon, hindi na cheerdance lang ang panonoorin ko. Basketball na rin. Yehey! I’m so proud. I’m so yabang. Go, UP Fighting Maroons! UP Fight!

Okey, back to work. Naglabas lang ako ng saya.