Wala bang tatakbong matino?

by Sankage Steno

Pagkasimulang-pagkasimula ng The Maze Runner, sabay naming binuksan ng kapatid kong bunso yung binili naming chichirya. Potato chips yung akin, corn naman sa kanya, ta’s parehong spicy flavor yung kinuha namin. Then, without any prodding or non-verbal cues, sabay naming inalok yung isa’t isa.

Pramis, may kumurot sa dibdib ko. Na-touch talaga ako sa gesture namin pareho. Wala lang. Sinabi ko lang. Ayoko lang makalimutan yung moment na ‘to kaya nilagay ko rito sa blog ko.

Actually, ang gusto ko talagang panoorin e yung Heneral Luna, kaso ayaw nung kapatid ko. So sabi ko sa sarili, panonoorin ko na lang s’ya sa Maynila kasama ng iba kong friend/s. Mapagbigay naman akong kapatid, di lang halata. Saka ayokong gawing sapilitan yung pagtuturo ng kasaysayan at pagmamahal sa bayan sa kapatid ko.

Gusto ko, kusa n’yang makita ‘yon through my examples, albeit radical minsan.

Ta’s napag-isip-isip ko ngayon lang habang sinasagot yung comments ng ilang readers ko du’n sa blog ko about Duterte last week, sobrang halaga pala ng eleksyon next year. I mean, mahalaga s’ya sa bayan, of course, pati sa future ko. Given na ‘yon. Pero mas mahalaga s’ya para sa kapatid kong bunso. (Wala kasi akong anak so si bunso na lang ang poster boy ko.)

Imagine, yung boto ko ang magde-decide sa magiging future n’ya in the next six years. Dahil di pa s’ya makakaboto, nasa akin yung opportunity para matulungan s’yang magkaroon ng maganda-gandang hinaharap. Kung sino man kasi yung mananalong pangulo next year, make or break talaga. Either magtutuluy-tuloy yung magandang takbo ng ekonomiya natin o biglang bagsak ulit.

I will just talk of the economy now kasi masyadong malaking usapin kung isasama ko pa yung iba. Saka ekonomiya ang mas maaapektuhan ako. Kapag kasi bumagsak s’ya, posibleng mawalan ako ng trabaho. Or, kung pangit ang pamamalakad ng susunod na lider natin, baka ikonsidera ko na yung pagiging OFW (na ayoko talaga dahil ayokong malayo sa mga mahal ko).

Kung halimbawang yung susunod na pangulo e magiging kurakot at magdudulot ng pagtamlay ng ekonomiya at paglayo ng mga mamumuhunang negosyante, malaki talaga yung chance na malugi yung kumpanyang pinagtatrabahuhan ko at mawalan ako ng hanapbuhay. At dahil nga bagsak ang ekonomiya, kokonti yung trabahong pwede kong mapasukan.

Kapag nangyari ‘yon, mahihirapan akong suportahan di lang yung sarili ko, kundi pati yung pamilya ko, lalo na yung bunso kong kapatid na may additional two years pa sa pag-aaral dahil sa K to 12. Kung wala akong pera, pa’no s’ya makakapagpatuloy sa pag-aaral?

E kapag iniisip ko naman kung sino yung dapat manalo sa halalan next year, parang wala namang panalo. Kung pinakahindi kurakot ang pag-uusapan, it’s either Mar Roxas or Grace Poe. Between the two, mas winnable si Poe. E ang kaso, masyado pa s’yang baguhan sa pulitika, at ngayon pa lang e nakikitaan ko na s’ya ng pagiging trapo.

Thanks to the INC rally (I can’t believe I’m saying this).

Kung si Binay naman, jusko, sure nang mangungurakot s’ya. Yung mga binabatong issue pa nga lang sa kanya ngayon hinggil sa mga nakulimbat n’ya sa Makati, hindi na n’ya maharap-harap, pa’no mo pa s’ya pagkakatiwalaan sa kaban ng bayan? So, obviously, hindi ko s’ya pipiliin.

Kung si Duterte naman, although nagpahayag na s’yang hindi tatakbo, may chance pa ring magbago ang isip n’ya. Kung s’ya ang mananalo, siguro gaganda pa rin ang ekonomiya. Ang kinakatakot ko lang, yung pagiging radikal n’ya. Yung paglabag n’ya sa karapatang-pantao para lang mapanatili ang “kaayusan” sa nasasakupan n’ya.

It’s like Martial Law all over again. Nakakatakot.

Kaya nahihirapan talaga ako sa puntong ito kung sino ang iboboto ko. Medyo shunga ko rin ‘no? Pinoproblema ko yung ganitong mga bagay samantalang medyo matagal pa naman s’ya, saka me mga personal din akong suliraning dapat kong ayusin.

Oh well, kasalanan ‘to ng Maze Runner e. Napaisip tuloy ako sa mga tatakbo next year. Basta iisipin ko na lang lagi yung future ng kapatid ko kapag bumoto na ‘ko sa isang taon.