Negosyo o kalayaan? Mamili ka

by Sankage Steno

Hindi ko pa napapanood ang Heneral Luna. Shet. Ipipilit ko ngayong gabi, LFS, kahit mapuyat ako at bangag-bangag sa trabaho bukas. Balita ko kasi e last day na n’ya ngayon sa mga sinehan. Tutal sweldo naman, hindi masyadong masakit sa bulsa kung manonood ako tonight.

Ang gaganda kasi ng naririnig kong reviews from my “thinking” friends sa Facebook. Huli akong nakarinig ng ganitong review about a Filipino film e yung Barber’s Tales pa ni Jun Lana (or was it Norte, Hangganan ng Kasaysayan by Lav Diaz?) Basta nagustuhan ko silang lahat.

Magaling pa ring gumawa ng pelikula tayong mga Pilipino. Yehey! Panira lang talaga yung karamihan ng lumalabas sa MMFF.

Pero sana talaga ma-extend yung showing ng Heneral Luna. Nakakaiyak naman kasi kung ba’t di s’ya nakasama sa MMFF. Na-reject kaya s’ya? Oh well. Buti na rin sigurong hindi s’ya nakasama du’n para hindi mahilera sa maraming substandard films na walang laman yung kwento. Puro pa-cute lang. Hindi ko naman nilalahat. May pailan-ilan namang maganda sa MMFF.

Kung talagang maganda s’ya, bakit di tinatangkilik ng maraming Pinoy? Dahil ba sa poor marketing? Dahil ba hindi si Daniel Padilla yung bida? Shet. Siguro dapat gawin s’yang required showing sa mga students. Parang yung ginawa noon sa Jose Rizal ni Marilou Diaz-Abaya. SLN.

Trivia: Alam mo bang dedicated sa kanya yung pelikulang Barber’s Tales? Kapangalan din n’ya yung bida roon na ginampanan ni Eugene Domingo.

Nakikiusap po ako sa mga may-ari ng sinehan d’yan. Sa Ayala at SM malls, pati na rin sa mga nagpapalabas ng bomba films (Meron pa ba nito?) sa probi-probinsya at kung saan-saang sulok ng Kamaynilaan. Baka naman pwedeng pahabain n’yo pa ng isang linggo yung pagpapalabas ng Heneral Luna.

Sige na naman, please. Minsan lang ako hihiling, ayan a.

Or ganito na lang. Kahit hati sila ng airtime ng ibang foreign films. Sa umaga, yung bagong palabas, ta’s sa gabi, yung Heneral Luna. Di n’yo naman siguro ikakalugi ‘yon, di ba? Saka ano ba naman yung gawin n’yo na ‘to para sa bayan. Andami kasing kulang-kulang ang kaalaman sa kasaysayan. Baka nga isa ako sa kanila. I’m sure marami akong misconception pagdating sa history natin.

Kaya malaking tulong ‘tong pelikulang ‘to. Kung entertaining s’ya at educational at the same time, di na siguro masamang i-extend n’yo s’ya sa mga sinehan. Para na rin ‘to sa kalayaan nating mga Pilipino… kalayaan sa kamangmangan. Wuw!

Ano na? Negosyo o kalayaan? Mamili ka.