Mahiya ka naman sa balat mo

by Sankage Steno

Gusto ko lang ipagyabang na dalawang beses ko nang napapanood ang Heneral Luna sa sinehan. Oo, dalawa. Oo, sa sinehan. Oo, napanood ko. E ikaw? What’s your excuse?

Lagay mo na lang sa comment.

Natawa pa rin ako, namangha at nabwisit. Pero higit sa lahat, nagandahan ako. Yun lang ang review ko. Yes, maganda s’ya. Hindi na ‘ko magbibigay ng detalye dahil nakakaburat lang. Panoorin mo kaya. Hindi ‘yung umaasa ka sa review ko. Sinabi na ngang maganda e, aarte pa? ‘Wag gano’n.

Gusto ko lang ding sabihin na idol ko na si Jerrold Tarog dahil s’ya lang naman ang nagdirek, nag-edit, nagsulat at naglapat ng musika sa pelikulang nabanggit ko. Ikaw na. Ikaw na lahat. Bakit di mo na rin ginampanan yung papel ni Antonio Luna? Grabe ka. Ang galing mo. Pa-kiss nga.

Mwah.

So syempre hinanap ko na s’ya sa Facebook. More stalker lang ang peg, ganyan. At napag-alaman kong meron kaming tatlong common friends. Pero ang pinakakinatuwa kong rebelasyon e sa Unibersidad ng Pilipinas pala s’ya nagtapos. #ediwow

Buti pa s’ya, meron nang obra maestrang natapos. E ako? Olats. Wala pa rin akong maipagyabang. Wala pa rin akong naiaambag na malaki para sa bayan o para sa mundo. Kahit nga yata sa sarili ko wala pa. So thank you, Jerrold, sa pagpapamukha sa akin na wala akong kwentang tao. I hate and I love you na.

But I hate myself more.

Ang ganda kasi ng Heneral Luna talaga. Gusto ko pa ngang ulitin e. Wuw! Walang sawa? Daming pera? Pero seryoso, willing pa ‘kong ulitin s’ya basta gusto ko yung makakasama ko sa sinehan. Alam mo na. Yihee.

Sana lang talaga totoo yung usap-usapang gagawa rin ng iba pang movies para sa ibang national heroes natin. Kung magiging kasingganda s’ya ng Heneral Luna e, wow, bilib na talaga ako sa Filipino filmmakers. Well, proud naman talaga ako sa kanila. Pero kung magiging consistent yung paggawa ng magagandang pelikula, mas lalo akong magiging proud.

I’m just letting all local filmmakers know na isa akong fan at isa ako sa mga naniniwalang buhay na buhay ang sineng Pilipino.

Mabuhay ang Pilipinas!