Sige pa, ayan, d’yan, oooh, sarap

by Sankage Steno

Hay jusmiyo. Sumasakit na naman yung ulo ko (sa taas). Halos araw-araw na lang akong bangag dahil sa kakabasa ng HTML codes at kakahanap, kaka-edit at kakasulat ng balita. Buti na lang hindi sumasakit yung ulo ko (sa taas) kapag nagba-blog. On the contrary, nare-relax pa nga ako.

Parang gusto ko tuloy magpamasahe sa ulo (sa taas). Oo ulo lang (sa taas), kasi kapag yung ibang body part located below my head ang minasahe, hindi na ‘ko nare-relax. Natatawa na ‘ko. At hindi ‘to yung tawang nakakagaan ng pakiramdam. Ito yung tawang nakakasaya na nakakainis. Oo, merong ganun. Kung ba’t naman kasi napakapabebe ng katawan ko.

Kaya tuwing nagkakayayaan kaming magkakaibigan na magpamasahe sa Wensha o sa Boracay o sa kahit saang hotel kapag may coverage ako, iniiwasan ko talaga yung full body massage. Madalas nagre-request ako sa masahista na ulo lang kahit buo ang bayad. Hindi ko talaga nae-enjoy yung sa buong katawan, pramis.

Parusa s’ya.

Nakakapanghinayang tuloy na never kong na-try yung mga nagmamasaheng bulag sa may Philcoa noong UP days ko. Hindi pa naman kasi ako ganon ka-stressed nung mga panahong ‘yon. Oo, mahirap sa UP pero kaya naman ng brain cells ko. E ngayon, mahirap na nga yung gawa, paulit-ulit pa. Sakit sa ulo (sa taas) talaga.

Teka, buhay pa ba yung mga masahistang bulag sa may Philcoa? Andun pa ba sila?

Kaso ang layo naman kung dadayo pa ‘ko ng Quezon City para lang magpamasahe ng ulo (sa taas). Hindi naman effective masyado kung ako lang yung magmamasahe sa sarili ko. Mas masarap talaga kapag ibang kamay yung nagmamasahe. If only meron akong someone na willing magmasahe ng ulo ko (sa taas) anytime. If only.

Anyway, habang wala pa yung taong ‘yon sa buhay ko, maghahanap muna ako ng mumurahing tagamasahe dito sa may Makati. Ayoko naman dun sa mga spa-spa na ke mamahal. Kung araw-araw akong dadayo ro’n, luging-lugi ako. Ang ending, naghahanap ako ng ibang paraan para mawala yung sakit ng ulo ko (sa taas).

Eto nga, nagba-blog. Effective s’ya. Medyo magaan na pakiramdam ko. Okey din kapag nakakapaglakad-lakad ako o kaya e kumakanta-kanta at tumutugtog-tugtog. Favorite ko rin yung nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan. Anlakas makatanggal ng stress kapag kausap ko yung mga tropa ko. E ang kaso, bihira lang naman kaming magkita-kita. Maswerte na yung once a week.

Ang hirap talaga kapag laging mag-isa. Yeah, that’s my takeaway from all this.