Bilog ang bola

by Sankage Steno

Buti na lang nanalo yung Gilas Pilipinas laban sa Iran. Grabe, inexpect ko talagang mananalo tayo kahit defending champion pa yung kalaban at ilang beses na nila tayong tinalo noon. Sabi nga nila, see title. Sana magtuluy-tuloy hanggang finals, at sana di na maulit yung kapalpakan nung una nilang laban against Palestine.

Kung di nanalo yung Gilas, baka badtrip na naman ako ngayon. Wala kasi akong makitang balita na maganda kanina. Puro tungkol sa kababawan, sa twitter war at sa diktador na nagsabing di raw sya tatakbo pero tatakbo na pala (Hello, GMA?) ang nasasagap kong balita.

Anyway, going back to basketball. Hindi naman talaga ako fan. Nanonood o nakikibalita lang ako kapag me laban ang Gilas o ang UP (na mukhang ningaskugon lang yung unang dalawang panalo. Di pa naman tapos ang laban. #UPFight). Gusto ko lang maging updated sa happening para cool ako, ganyan.

The more you know.

May naalala lang akong isang kwento tungkol sa larong ito. Nasa bahay-ampunan ako noon, ta’s merong basketball court sa compound nila. E saktong me bolang nakalabas, e di shoot-shoot kami nung mga kaibigan ko. Hindi talaga ako naglalaro, I swear. Hindi ko sasabihin kung bakit dahil napakababaw ng dahilan ko. Ang deep ko kayang tao. #Wew

Anyway, so ‘yun nga. Nagshoot-shoot kami ng bola sa ring. 21 yata yung laro namin. O wala lang. Tira lang nang tira sa ilalim ng araw. Pinasa sa ‘kin nung friend ko yung bola. Dahil mahilig akong manood ng Slam Dunk noon, ginamit ko yung turo ni Coach Anzai ke Sakuragi. Alalang-alala ko talaga yung kung pa’no hawakan yung bola, kung pa’no yung porma ng katawan at kung pa’no yung tamang paghagis sa ring.

So inapply ko s’ya. Ending, shoot ang bola kahit wala ako sa loob. Ringless pa. Ta’s for more pasikat, pumunta ako sa gilid kasi dun ako pinakanahihirapan. Wala kasing board na pag-aaldagan ng bola papunta sa ring. Again, ginamit ko yung mga natutunan ko kay Coach Anzai at ke Sakuragi. Ayun, shoot na naman. Ringless ulit. Bilib na bilib ako sa sarili ko.

Ang swerte ko talaga sa beginner’s luck.

Yun lang naman. ‘Wag mo na ‘kong hamunin ng basketball dahil siguradong matatalo ako. Pero kung gusto mo ng katuwaan lang o kung gusto mong sure na manalo para tumaas ang self-esteem mo, game akong makipaglaro sa ‘yo. Walang problema. Basta make sure na after nating magpapawis, kakain tayo nang marami at iinom.

Ano, kelan tayo maglalaro?