Liberal Partey

by Sankage Steno

Kayo naman, kung makapanghusga agad kayo, kala n’yo kung sino kayong kay lilinis. Taray o, virgin na virgin. Walang pores. Hindi ba kayo na-inform sa pagdiriwang ni Cong. Benjamin Agarao sa Laguna? Hindi ba kayo nasabihan ni MMDA Chair Francis Tolentino tungkol sa theme ng party? Hinde? Aysows! Napaka-obvious kaya.

It’s a Liberal Party. Duh.

Natural, merong mga babaeng nagsasayaw na halos wala nang saplot sa katawan. Normal lang na me lap dance, me dirty dancing o kahit pa nga live show. Okey lang kaya ‘yon. They’re liberal, remember?

Kahit pa gumamit sila ng heroine, morphine, ecstacy, meth, cocaine o kahit jutes lang, walang problema. Liberal yung mga attendees ng party. Hindi sarado ang isip nila. Hindi sila cloistered, hindi rin conservative at lalong hindi pa-prude. Che! Basta under control ang lahat at walang nasasaktan o napapahamak, tuloy ang ligaya! Sex and drugs pa more!

Magulat ka kung sa party na ‘yon ni Agarao e biglang may naglabas ng bible at nag-conduct ng liturgical service. Kaloka ‘yon. Tapos biglang may maglalabas ng acoustic guitar at tutugtog ng gospel songs. Himig Heswita, ganyan. O kaya yung mga Christian songs na alayb-alayb. In Jesus’ name! Amen!

Ganu’n bang party ine-expect mo?

Palibhasa di ka na-invite kaya ka ganyan. Gusto mo kasing masayawan din ng mga babae sa stage habang pinapanood ng ibang tao. O baka naman kaya ka naiinis e dahil puro babae lang ang nagsayaw? Unfair nga naman. It’s so chauvinistic. Our political system is so patriarchal, chenes-chenes. Dapat nga naman gender-sensitive tayo.

Feeling ko du’n talaga nagkulang yung Liberal Party e.

Dapat kasi sinamahan na rin nila ng mga macho dancers. Andami kaya sa Adonis, sa Pegasus, saka sa Whitebird. Punta lang kayo sa Timog, sa Q. Ave, sa E. Rod., sa Pasay, nakow! Nagkalat ang mga hubad na lalaki d’yan. Murang-mura lang. Baka nga mas mura pa kesa du’n sa mga babaeng pinanregalo ni Tolentino. (Yes, alam na alam ko talaga ang presyuhan? Pota.)

Di ba? Nakita mo ba yung point ko? At nakita mo rin ba yung point ni Agarao? Ang ganda kaya ng sinabi n’ya para depensahan ang sarili. And I quote,

Depende yan sa appreciation. Katulad ko, lalaking lalaki ako, hindi ako masasagwaan. Diyan nga sa Maynila, mayroon pa ngang sumasayaw sa hawla. Sa probinsya, luluwa pa nga ang mata, walang malisya.

O, kitams? Wala talagang malisya. Ikaw ang may malisya. Malisyosa ka!

So alam mo na kung sino ang mga dapat mong iwasan sa halalan next year? Simula pa lang ‘yan ng circus. Step right up! Step right up!

Liberal Partey