F.U., NU

by Sankage Steno

‘Wag lang talagang magkakamaling dumaan sa tapat namin ‘yang Bulldog na ‘yan at ako mismo ang huhuli d’yan. Tutuhugin ko saka ko ipapadala sa China para sa Yulin Festival. Punyeta.

Hindi ako makapaniwalang natalo ang church at ang state ng salapi. Ansakit-sakit tanggapin ng katotohanan. Hindi ko matanggap na pera pa rin ang nagpapaikot sa mundo. Akala ko #Puso. Akala ko #LoveWins. Tangina naman e. Ba’t ganu’n?

Ang linis-linis ng routine ng UP at UST. Ang ganda-ganda sa paningin. Nakakakilabot pa nga. Tapos yung sa NU, puro hulog. Puro bagsak. Hindi malinis. Tapos nanalo pa rin? Ano ‘to, pyramiding scam? Hindi ba na-inform yung judges na may deduction dapat sa bawat maling stunt at pyramid? O ako ba ang hindi na-inform na wala nang deduction sa pag-score?

Ito na yata ang pinakalutong laban sa UAAP Cheerdance Competition. Last year, tanggap kong 1st runner-up lang ang UP. Ang galing talaga ng NU noong isang taon. Iba ang level of difficulty tapos ang linis pa ng routine. E ngayon? Anyare? Nabibiyak pa rin ang puso ko. Matagal-tagal pa bago ako maka-move on. I don’t even know where to start.

And for that, I want to say, “I hate you, Henry Sy!” Buti na lang sa BPI ang bangko ko. Buti na lang du’n ko ininvest yung pera ko. At buti na lang sa Glorietta ako madalas tumambay. Du’n ko pinanood ang Heneral Luna nang dalawang beses. Good decision din na hindi ko na ni-renew last year yung SM Advantage card ko. At dahil nagbabalak akong bumili ng condo unit, sure nang hindi ko iko-consider ang SMDC.

Kahit yung DMCI papatusin ko na ‘wag lang mapunta yung pera ko sa mga Sy!

Okey ang O.A. ko na. Pagbigyan. I’m still grieving. Ang hirap talagang tanggapin ng pagkatalo lalo pa’t kitang-kita mo naman kung sino yung dapat na nanalo. Binigay na nga namin yung puso namin. Idagdag mo pa yung matataba naming utak na lagi naming inaalay. Tapos talo pa rin? Nang dahil sa pera? Nasaan ang hustisya? Pisting yawa!

Kaya ngayon, hindi na ‘ko mag-iinvest masyado sa utak at puso. Pera na muna ang pag-uukulan ko lagi ng pansin. Magpapakayaman ako para may maibigay sa UP. Hindi na umuubra yung puro pa-witty effect. Kahit samahan mo pa ng puso. Wala talaga. Paasa lang ampota. Kailangan nang samahan ng salapi. Kailangan nang ilevel-up ang labanan.

At, officially, ayoko na sa bulldog! Shih Tzu na lang bibilin ko! Yung princess type!

UPuso