Kamay sa bulsa

by Sankage Steno

Andami kong kamalasan nu’ng isang linggo, at kinakabahan pa ‘ko kung magtutuluy-tuloy hanggang ngayon yung series of unfortunate events sa yugtong ito ng buhay ko. Syempre di ko na iisa-isahin yung mga ‘yon. Baket, close ba tayo? Sa mga ka-close ko lang kinukwento yung detalye sa buhay ko. Makuntento ka na kung ano yung nababasa mo rito.

Dahil nga iritable pa rin ako hanggang ngayon, ‘wag kang umasang makakausap mo ‘ko nang matino. Hindi ako si Mother Teresa o si Mahatma Gandhi na kayang maging kalmado sa lahat ng pagkakataon. Sorry, pero ine-enjoy ko lahat ng damdamin kahit negatibo pa ‘yan. Pangarap ko kasing maging perfect human being, master of all emotions, ganyan.

Pero syempre ayoko namang sumobra yung inis, poot at pagkamuhing nangingibabaw sa kalooban ko ngayon. I need to take a chill pill para maibsan o para mabalanse yung nararamdaman ko. Lahat ng sobra ay masama, di ba? Kaya naman sobrang laking tulong sa ‘kin na dabarkads ko si Apollo.

TRIVIA: Si Apollo ang god of the sun and music.

Meron akong kakaibang “skill,” or should I say ka-weirduhan, na feeling ko e gift sa ‘kin ni Apollo. Nagigising ako minsan na merong tumutugtog na kanta sa utak ko kahit wala namang nagpapatugtog sa radyo o smartphone. Nangyayari rin s’ya kahit di naman ako nakinig ng kanta bago matulog. Nangyayari ba sa ‘yo ‘yon?

At kaninang umaga, si Ate Alanis yung bumati sa ‘kin pagkagising ko.

Automatic LSS ko simula pa kanina yung Hand in My Pocket. Hindi ko talaga alam kung ba’t bumalik s’ya sa alaala ko. Wala naman s’ya sa playlist ko. (Well, ngayon meron na. Kaka-download ko lang.) Hindi ko rin naman iniisip si Ate Alanis. Basta na lang pumasok sa isip ko yung kantang ‘yan. Ang weird talaga.

So I’d just take it to mean na coping mechanism s’ya ng katawan o ng utak ko para hindi ako malunod sa sobrang daming negatibong emosyon. Kung alam mo yung lyrics ng kantang ‘yan, maiintindihan mo yung sinasabi ko. Eto sampol:

I’m high but I’m grounded.
I’m sane but I’m overwhelmed.
I’m lost but I’m hopeful, baby.

Hindi talaga ako high, pramis, but you get the groove, right? Yung kantang ‘to kasi, kahit noong 90s pa s’ya na-compose, e sobrang swak pa rin sa ‘kin ngayon. I think swak s’ya sa yuppies in general. Eto pa to prove my point:

I’m young and I’m underpaid.
I’m tired but I’m workin’, yeah.
I care but I’m restless.
I’m here but I’m really gone.

Anong sinabi ng mga kanta ngayon? Puro kababawan lang, di ba, Ate Lea? Mabibilang mo na lang sa daliri sa kamay ngayon yung may laman yung lyrics. That’s just me, of course. Feel free to bash me on this.

I’m free but I’m focused.
I’m green but I’m wise.
I’m hard but I’m friendly, baby.
I’m sad but I’m laughin’.
I’m brave but I’m chickenshit.

Grabe. Anong inspiration ni Ate Alanis para maisip yung mga salitang ‘yan? Hindi s’ya love song pero grabe kung makahugot. Which reminds me of the songs of Joni Mitchell. Hay, asan na ba yung ganitong mga lyricists at songwriters?

Sa Pilipinas, I’m happy and’yan sina Thyro at Yumi at yung mga batikang composers natin. More songs please.

And what it all comes down to
is that I haven’t got it all figured out just yet.
Cause I got one hand in my pocket
and the other one is givin’ a peace sign.

Na ang ibig sabihin, magiging ayos din ang lahat (at gusto ko talagang mag-videoke kaso wala akong kasama at ayoko namang kumanta mag-isa sa madilim at malamig na kwarto).