Dear INC, I need your bloc vote

by Sankage Steno

Mga kampon ni Manalo, ito na po ang inyong pinakahihintay na pagkakataon para makaganti sa akin dahil sa mga masasakit na isinulat ko sa inyo noon. Nominated po ako sa Philippine Blogging Awards, at pwedeng-pwede n’yo akong iboto sa pamamagitan ng pag-click dito.

Hanapin n’yo lang po ang sankagesteno.wordpress.com at makakaganti na kayo sa mga “paninira” ko sa inyo.

Tanga ka ba? Bakit kita iboboto? Pa’no kung manalo ka? Bobo!

Iyon na nga po ang kagandahan nito. Pareho po tayong makikinabang kapag ibinoto n’yo ‘ko at nanalo ako ng People’s Choice Award. Ganito ‘yan, magbasa kang maigi.

Sa November 21 mangyayari ang awarding sa SMX Convention Center sa SM Aura. Hindi sa SM MOA ha? Aura po. Aura! Syempre, dahil nominee nga ako, dadalo ako sa naturang pagtitipon. Ibig sabihin, alam n’yo na kung sa’n ako mahahagilap sa araw na nabanggit ko. Pero dahil 1,000-plus ang nominees, mahihirapan kayong targetin ako.

Dito na papasok ang bloc vote ninyong mga creeps. Kapag nanalo ako ng award, syempre, aakyat ako ng stage. Kapag umakyat ako ng stage, malalaman n’yo na kung sino si Sankage Steno. At kapag nakilala at na-pinpoint n’yo na ako, maaari n’yo nang gawin ang kahit anong ibig ninyo sa akin.

May point ka. Ano naman ang tingin mong gagawin namin sa iyo?

Pati ba naman ‘yan iaasa n’yo pa sa imagination ko? Fine, eto. Maaari n’yo ‘kong abangan sa labas ng SMX o ng SM Aura. Marami-rami pa namang bakanteng lote sa lugar na ‘yon so pwede n’yo ‘kong itapon do’n kapag na-salvage n’yo na ako.

That’s just one. Kung ayaw n’yo akong i-salvage, pwede rin namang mag-hire kayo ng sniper at tirahin ako oras na umakyat ako ng stage. Ang problema lang rito, baka mahirapang makapasok sa mall yung hired gunman ninyo. Ang isang solusyon dito ay mag-hire kayo ng gwardya sa mall na pwedeng bumaril sa ‘kin.

Kung sa tingin n’yo ay mahirap pa ring gawin ang mga ito, maaari rin kayong kumuha ng riding-in-tandem. Ang problema naman sa ganito, mahihirapan silang makapasok sa BGC dahil bantay-sarado sila ng mga pulis. Napapadalas kasi ang riding-in-tandem doon kaya naglagay sila ng checkpoint sa mga entry at exit points ng lugar.

Kung ayaw n’yo naman akong ipapatay, feel free to torture me in any way that you want. ‘Wag lang po sa kiliti. Mamamatay ako sa lakas ng kiliti ko sa katawan.

Anong akala mo sa amin? Mamamatay-tao? Gago ka talaga.

Hindi naman po sa gano’n. Pinapagana ko lang po ang aking wild imagination. Saka hindi naman malayong mangyari na mapahamak ako dahil sa mga sinusulat ko rito, di ba?

Kung ayaw ninyo akong ipapatay o saktan, pwede n’yo naman akong kidnappin na lang at ikulong sa inyong compound d’yan sa may New Era. Willing po akong sumama kina Angel Manalo at sa kanyang mommy sa bahay nila. Makikipag-bonding na lang po ako sa kanila at sa iba pang excommunicated members ninyo.

Nababaliw ka na ngang siraulo ka. Hindi kita iboboto!

Bakit? Anong ginawa ko? May nasabi ba ‘kong masama? Minsan na nga lang ako hihingi ng pabor sa inyo. Ayan a. Andali-dali na nga lang ng paraan para makaganti sa akin, ayaw pa? Ako na nga itong nagmumungkahi sa inyo para di na kayo mahirapan. That is so unfair!

Kung hindi ninyo ako iboboto sa Philippine Blogging Awards, kung hindi ninyo ipapahiram sa akin ang bloc vote n’yo, hindi na rin ako manonood ng Felix Manalo. Hindi talaga! Kahit pa crush ko si Dennis Trillo! Hmp!