Bobo para kay Bongbong

by Sankage Steno

BOBO ka kung iBOBOto mo si BOngBOng.

Repeat three times. #NeverAgain #NeverForget

Wala akong pake kahit pa college graduate ka o post-grad o kahit mas mataas ang IQ mo sa akin. Wala akong pake kahit mayaman ka o kahit mas marami ang pera mo sa akin. At wala akong pake kahit pa dati kang first lady o dating pangulo o senador o mayor o may hinahawakang posisyon sa gobyerno. Kung iboboto mo si Bongbong next year, bobo ka!

Ano bang nagawa ng anak ng diktador na ‘yan para idolohin mo? Alam mo ba yung mga pinasa n’yang batas? Alam mo ba yung mga proyekto n’ya habang nasa pwesto? E alam mo rin ba kung magkano na yung nakulimbat n’ya sa kaban ng bayan? Malamang hinde. Kasi nga bobo ka.

Kung iboboto mo lang s’ya dahil anak s’ya ni Ferdinand Marcos, bobo ka talaga. Una, bobo ka kasi hindi ka nag-aral ng history kaya di mo alam yung kahayupang ginawa ng mga Marcos. Pangalawa, sabihin na nating bobo yung teacher mo kaya wala kang alam. Bobo ka pa rin kasi hindi mo inalam. Andali-dali na lang kayang i-google ngayon yung mga bagay na ‘yan.

Eto, basahin mo ‘tong sinulat ko dati para magkaroon ka ng konting kaalaman.

At dahil bobo ka, alam ko na rin ang isasagot mo sa akin. Sasabihin mo, “Bakit mo isisisi kay Bongbong yung ginawa ng ama n’ya? Di n’ya kasalanan ‘yon.”

Etong patanong na sagot: Edi inamin mo ring masama yung ama n’ya? Gotcha!

Sabihin na nating hindi kasalanan ni Bongbong yung mga ginawa ng ama n’ya, pero sino bang nakinabang? Sa’n galing yung perang pinang-aral n’ya rito at sa ibang bansa? Sa’n galing yung perang pinambili n’ya ng luho n’ya, ng alak, ng babae, ng droga, perhaps? Sinong gumastos para buhayin s’ya at magkaroon ng marangyang buhay na never naranasan ng milyong Pilipino?

Kung tumanggap ka ng galing sa nakaw o kung tumangkilik at bumili ka ng galing sa nakaw, kasangkapan ka sa pagnanakaw. Kasalanan mo rin ‘yon.

Pero dahil bobo ka nga, hindi mo maiintindihan ‘tong logic na ‘to. Para sa ‘yo, kapag nahalal na pangalawang pangulo si Bongbong, magiging maunlad na ang Pilipinas. Kabobohan talaga. Para sabihin ko sa ‘yo, walang pangalawang pangulo ang nakapagpaunlad ng Pilipinas. Kahalili lang sila ng pangulo. Wala talaga silang kapangyarihan. Stepping stone lang nila ang pagiging VP para sa next election, tatakbo silang pangulo.

‘Yun talaga ang plano ni Bongbong. Pero syempre di mo naisip ‘yon kasi bobo ka.

Ang gusto mo lang ay manalo si Bongbong para magkaroon ng “Modern Martial Law” na hindi ko alam kung saan mo napulot. Hindi ko maintindihan kung bakit gusto mong sikilin at tanggalin ulit ang iyong karapatan. Kung gusto mo ng bansang ang mga mamamayan ay takot at walang karapatan, pumunta ka sa North Korea. Bobo!

Following my line of argument, wala akong pake kung hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral o kung mababa ang IQ mo. Wala akong pake kung mahirap ka lang o isang kahig, isang tuka ang iyong pamumuhay. At wala akong pake kung ordinaryong tao ka lang at walang maipagmamalaki sa buhay. Kung naiintindihan mo yung sinasabi ko rito, kung nagmamalasakit ka sa bayan at kung ayaw mo nang maulit ang masasamang nangyari sa ating nakaraan (na pilit ibinabaon sa limot at binabago ng mga bobong nagkalat sa bansa), matalino ka.

Alam mo na ang gagawin sa halalan sa isang taon.