Takbo lang, Miriam

by Sankage Steno

Pangatlo lang si Miriam sa mock elections na ginawa ng isang frat sa UP last week. Una si Mar at pangalawa si Grace. Pero sa pagkapangulo ‘yon. Pagdating sa botohan para sa pangalawang pangulo, nanguna si Miriam. ‘Yan ang boto ng mga taga-UP, pero syempre hindi naman Pilipinas ang UP.

Kung pagbabasehan ang survey ng SWS at Pulse Asia, talong-talo si Miriam. It’s still a three-way match sa pagitan nina Grace, Mar at Jejomar. Pero tingin ko mababago na ‘to kapag nagpasa na ng certificate of candidacy si Miriam this week at nagsimula na s’yang mangampanya.

Kung qualifications lang din ang paglalabanan, si Miriam na talaga ang pinakaakmang pangulo ng Pilipinas, e kaso di naman qualification at background ang tinitignan nating mga Pilipino. Isa pa, natalo na s’ya noong 1992 kay Fidel Ramos, so what makes 2016 any different?

Sa ibang blog ko na lang tatalakayin ‘to.

Pero ang pinakamalaking sagabal talaga sa kandidatura ni Miriam, maliban sa mga apelyidong Poe, Roxas at Binay, ay yung kalusugan n’ya. Sabi n’ya, magaling na raw s’ya at natalo n’ya ang cancer. I don’t buy that. Traydor ang cancer at pwedeng bumalik. At kung mapapagod s’ya sa pangangampanya, baka lalong bumagsak ang kalusugan n’ya.

Ito yung kinatalo noon ni Raul Roco, na ayon kay Conrado de Quiros e “the best president we never had.” Halos pareho sila ng kaso ni Miriam. Nagkaroon ng prostate cancer ang dating presidentiable at namatay sa heart attack noong 2005. Hindi malayong ganito rin ang mangyari kay Miriam. Of course, ‘wag naman sana.

Btw, may “encounter” sina Miriam at Raul noong impeachment trial. Basahin mo ‘tong sinulat ni de Quiros.

I don’t know. Idol ko si Miriam sa talino, pero ang alam ko, may pagkabalimbing s’ya like most politicians. Alam ko suportado n’ya si Arroyo noon. Lumabas din na pro-Erap s’ya nung impeachment trial nito. Ang lagay ba, kung sino yung nakaupo sa pwesto, yun ang susuportahan n’ya. Madali s’yang magbago ng kulay, parang hunyango.

That’s politics for you. And it’s not unique in the Philippines, mind you.

Anyway, hindi ako aangal kung magdesisyong tumakbo sa pagkapangulo si Miriam. Pinuna ko yung ambisyon nina Duterte at Marcos, oo, and I have my reasons. Ngayon, hindi ako kokontra, pero di ko rin sinasabing susuportahan ko na si Miriam. May panahon pa ‘ko para mag-isip-isip.