E ano kung may tubig sa Mars?

by Sankage Steno

First a disclaimer: I’m all for science and technology, okay? Pero for this particular entry, gusto kong magpaka-Pocahontas muna (or James Cameron if you want a more lifelike reference from Tinseltown).

Medyo late na rin ‘tong isusulat ko dahil maraming interesanteng usapin noong isang linggo na mas gusto kong bigyang-pansin. Ilang araw (o linggo) na rin yung lumipas mula nung ilabas yung balitang may nadiskubreng tubig sa Mars ang NASA. Big deal, they say. Fine, let’s have it their way. Malaking bagay nga naman ‘yon.

Unahin ko na yung palasak nang argument regarding space exploration na naka-subscribe pa rin ako hanggang ngayon:

Hindi pa nga natin nae-explore ang buong Planet Earth (oceans, mantle, inner and outer cores, etc.), tapos lalabas na agad tayo?

Idadagdag ko na rin ‘tong isa pang argument para mapadali ang usapan. Ito lang naman kasi ang nakikita kong puno’t dulo ng lahat ng efforts ng NASA na humanap ng iba pang habitable planet sa kalawakan. Kung naintindihan mo yung pelikulang Avatar (not the Airbender) na dinirek nung nabanggit ko sa taas, alam mo na rin ‘to:

So naghahanap tayo ng bagong planeta para masakop natin (ma-colonize is a heavier term)? Para mapakinabangan (ma-exploit is a better term for me)? Para sirain (no better term for this) ulit? Sinong nagbigay sa ‘yo ng karapatan para gawin ‘yon?

Ganun lang naman kasimple ‘yon, di ba? You think you own whatever land you land on, sabi nga sa kanta ng Disney “princess” na nabanggit ko sa taas. Well, fine, human nature na kung human nature, pero wala bang limitasyon ang pagkagahaman nating mga tao? (Wooh! Big words!)

Sabihin nating kaya nga ng Mars na sumuporta ng buhay, o kaya e makaimbento tayo ng bagong teknolohiyang makakapagdala ng tao sa Red Planet at magagawang buhayin s’ya sa mahabang panahon, ano ngayon ang iisipin ng mga tao sa Earth? Ikaw, kung alam mong pwede na tayong tumira sa ibang planeta, anong una mong maiisip?

If I’ll play devil’s advocate (o kahit negosyante na lang), maiisip ko na pwede ko nang gawin ang kahit ano sa mundong ito, tutal may backup naman. Kumbaga sa file, okay lang kahit ma-corrupt, kasi nga meron ka pang reserba. Meaning, di ko pagtutuunan masyado ng pansin ang climate change o pollution o ang environment in general. Kung pwede naman palang mag-migrate sa Mars, bakit ko pa iintindihin masyado kung masisira ang mundo dahil sa human activities?

Ergo, magiging maluwag ang mga batas hinggil sa pagmimina, sa paggamit ng dinamita sa pangingisda, sa paggamit ng mga kemikal sa agrikultura, atbp.

In essence, kapag may nadiskubreng bagong habitable planet, it will be the beginning of our end.

Ito yung masama kong nakikita. Hindi ko na babanggitin yung mga magagandang pwedeng maidulot nito kung mangyari mang pwede na tayong tumira sa Mars o sa ibang planeta. Hindi ko rin naman mapapakinabangan. Mamamatay muna ako bago dumating yung panahong ‘yon. Kaya yung masama lang ang sinulat ko rito para ‘pag me nakabasang iba in the future, pwede kong sabihin in my grave na…

I told you so.

An artist's conception of a human Mars base, with a cutaway revealing an interior horticultural area