The Search is On for The +1

by Sankage Steno

Shet, mukang magkakatotoo yung sinulat ko rito. Baka nga mapatay na ‘ko ng mga kampon ni Manalo sa Nov. 21. Dumating na kasi yung invitation para sa Gala Night ng Philippine Blogging Awards, at kasama ako sa guest list. Meaning, libre ang ticket ko at pwede pang magsama ng isang friend o companion.

I’m sure maraming freebies du’n, saka isa sa sponsors ang McDo so baka makalibre ako ng Chicken Fillet ala King. Baka du’n ko na rin makita yung nakalaan para sa ‘kin. The One. Yes! Yun nga lang, saglit lang yung forever namin kasi mapapatay nga ako ng mga haters kong creeps. Such a cruel world. So sad.

Pero open pa rin yung invitation ko para sa +1 kong kasama. May ilan na kasing nagpahayag na gusto nilang samahan ako, pero di ko pa alam kung sino talaga yung dapat kong isama, kaya ipapa-raffle ko na lang, sort of. Kung gusto mong makita kung pa’no ako mamamatay sa SMX Convention Center sa SM Aura on Nov. 21, sagutin mo lang ang tanong na ito:

Kung may babaril sa akin sa Gala Night ng Philipping Blogging Awards, bakit ikaw ‘yon?

Ipadala lamang ang inyong sagot sa aking email o Twitter account na matatagpuan sa Dugtong page ng blog ko. Kung friend kita sa Facebook, pwede mo rin akong i-message do’n, o kaya naman e mag-comment ka na lang sa baba. Ang may pinakanakakabaliw na sagot ang aking isasama sa Gala Night.

Kung ayaw mo naman akong samahan, pake ko? Di ko kawalan.

Kung gusto mo namang tulungan ang mga kampon ni Manalo sa paghahanap sa ‘kin sa venue ng awards night, iboto mo lang yung blog ko sa link na ito. Hanapin mo yung sankagesteno.wordpress.com at i-check, saka mo iboto. Maraming salamat. Dahil sa ‘yo, mapapadali lalo ang buhay ko. Tangina this. Nagsusulat na nga lang nang libre, mapapapatay pa.

Ngayon, kung hindi kita mapipiling ka-date sa gabing iyon, pwede ka pa rin namang pumunta sa event. Swertihan nga lang kung mabibigyan ka ng ticket. Magpa-reserve ka lang dito at mag-pledge ng kung magkano ang kaya mo. At kung gusto mo namang malaman kung sinu-sino pa yung mga pupuntang bloggers, i-click mo lang yung photo sa baba. Dadalhin ka n’yan sa page kung sa’n nakalista yung iba pang imbitado sa kasal, este, sa burol ko pala.

O pa’no? Gudlak, kitakits and may I rest in peace.

bloggys 2015 gala night