Iron hand of justice

by Sankage Steno

Ginamit ko kahapon si Mortred sa DotA kahit di ko s’ya ganu’n kagusto, at natuwa ako du’n sa sinasabi n’ya kapag tumatakbo. Di ba may kanya-kanyang linya yung mga hero kapag umaatake o kaya e tumatakbo? Yung nagustuhan ko kay Phantom Assassin e eto:

I am the iron hand of justice.

Naalala ko bigla si Ombudsman Conchita Carpio Morales dahil du’n. S’ya yung parang prefect of discipline sa pamahalaan. Trabaho n’yang imbestigahan at parusahan yung mga pulitiko at mga empleyado ng gobyernong inaabuso ang kapangyarihan, nangungurakot o nananamantala sa kanilang posisyon.

On a roll kasi si auntie ngayon, as in andami n’yang pinaparusahang mga tao sa gobyerno, ta’s halos magkapangalan pa sila nung DotA hero na nabanggit ko. MortredMorales … Pwede, di ba? Ipilit natin. Ayun, kaya na-associate ko silang dalawa sa isa’t isa. Pareho pa silang astigin na mga babae. Walang kinakatakutan. Sila pa mismo yung kinakatakutan ng iba.

And take note! Wala s’yang kinakampihan. Hindi lang opposition ang tinitira n’ya. Kahit mga kakampi, kaibigan o kapartido ni PNoy, di n’ya pinapalampas. To prove my point further, heto yung ilang mga napatawan na ni Morales ng parusa recently:

  • Makati Mayor Junjun Binay – dismissed from office and “perpetually disqualified” from public office dahil sa overpriced car park building ng Makati City.
  • Camarines Norte Gov. Edgardo Tallado – suspended ng isang taon dahil di s’ya sumunod sa utos ng Civil Service Commission na ibalik sa pwesto yung tinanggal na provincial veterinarian.
  • Bacolod City administrator Rolando Villamor – suspended ng anim na buwan at isang araw dahil sa conflict of interest nung naging counsel s’ya diumano ng isang construction firm.
  • Capiz Gov. Victor Tanco Sr. at ang anak nito – tanggal sa pwesto at “perpetually disqualified” din sa pagtakbo dahil sa pangingikil nila ng P3 million sa contractor na gagawa sana ng isang ospital.
  • Deputy director general Dennis Cunanan at lima pang ibang opisyal ng Technology Resource Center – dahil sa koneksyon nila sa paglalabas ng perang galing sa pork barrel fund para sa tatlong kongresistang nahaharap din sa kasong graft.
  • Chief Supt. Raul Petrasanta and six former and five active police officials ng Philippine National Police – kinasuhan ng katiwalian at tinanggal sa pwesto dahil sa pagbebenta ng 1,000 Russian-made AK-47 assault rifles sa mga rebeldeng New People’s Army sa Mindanao.

Ilan lang ‘yan sa daan-daang naparusahan na ni Mortred-Morales. Madadagdagan pa ‘yan panigurado. Isa s’ya sa mga dahilan kung bakit pabor pa rin ako sa administrasyon ni PNoy kahit marami-rami na s’yang palpak na ginawa. Mahuhusay yung mga inappoint n’yang tao sa gabinete at sa ibang ahensya ng gobyerno.

To name a few, and’yan sina Sereno (Supreme Court), Pulido-Tan (Commission on Audit), Mendoza (CoA), Henares (BIR), De Lima (DoJ) at Soliman (DSWD) among others.

Pero sa ngayon, pinakaaktibo at pinakabibo si Mortred-Morales. Sunud-sunod ang aksyon n’ya, and there’s no sign of stopping anytime soon.

At eto pa. Kakamatay lang ng anak n’ya, pero di pa rin s’ya tumitigil sa pagtatrabaho at sa pagpaparusa sa mga tiwaling pulitiko at empleyado ng gobyerno. Iron hand of justice talaga. Grabe. Bilib na ‘ko.