Aanhin mo ang mahabang buhay kung walang bacon?

by Sankage Steno

Kapag kumakain ako sa buffet restaurant like Spiral o Vikings, inuuna ko talagang kunin yung mga red meat gaya ng steak at ham, saka yung mga processed food like bacon and sausages. Then, sunod kong pupuntiryahin yung mga dimsum like siomai, hakaw, sharksfin, etc.

E lumabas bigla yung balita galing sa World Health Organization.

Nakaka-cause daw ng cancer yung mga processed at red meat na nabanggit ko sa taas. At baka raw isama na sa mga delikadong bagay gaya ng sigarilyo at alcohol yung bacon, hotdog, ham, atbp.

Jusko! Nahiya pa kayo, WHO! Di n’yo pa nilahat! Isama n’yo na lahat ng masasarap na pagkain sa mundo. Itira n’yo na lang yung mga damo. Gawin n’yo na lang kaming kambing!

Dahil d’yan, let’s have a moment of silence for bacon…

E pota, naninigarilyo rin ako at umiinom ng alak. Bakit buhay pa ‘ko? Taragis ‘yan. Ibig sabihin ba nito, hindi na ‘ko aabot ng kwarenta? Ano hanggang 33 na lang ako gaya ni Heneral Luna? O 35 gaya ni Jose Rizal? In fairness, leveling naman pala yung mga kaedaran ko kapag namatay ako nang maaga. Iba nga lang yung pinaglaban namin. Sila ay lumaban para sa pag-ibig sa tinubuang lupa.

Ako sa pag-ibig, period.

Ang naiisip ko ngayon, kung mamamatay man ako sa cancer dahil sa pagkahumaling ko sa red meat, sa processed food, sa sigarilyo at sa alcoholic drinks, wala naman akong pagsisisihan. At least nasarapan ako sa buhay.

Aanhin mo ang mahabang buhay kung wala namang bacon? Aanhin mo ang mahabang buhay kung hindi ka malalasing? Aanhin mo ang mahabang buhay kung hindi ka maha-high sa hitit ng sigarilyo? Mas gusto kong mamatay nang maaga na naranasan at natikman ko ang masasarap na bagay sa mundo kaysa yung mabuhay ako nang matagal na ang dami namang bawal.

Bakit masarap ang bawal?

Hoy, dear reader, di naman kita bine-brainwash kaya ‘wag kang tanga. Kung ayaw mong magka-cancer, e di sundin mo yung payo ng WHO. Iwasan mo yung mga nabanggit ko sa taas. Ang sa akin lang, OA yung pag-label sa mga pagkaing ito na “carcinogenic.” E di maghinay-hinay na lang sa pagkain. Kumbaga sa alak, drink moderately. Eto, eat moderately.

Mga once a day na lang sa halip na thrice, ganyan.

A basta. I know maaapektuhan nito yung pag-iisip ko sa tuwing kakain ng bacon at iba pang red meat, pero kakain pa rin ako! Walang makakapigil sa pabebe kong bibig at tiyan. Ituloy ang pagpapasarap sa maikli naman talaga nating buhay. Sabi nga sa Isaiah 22:13, “Let us eat and drink, for tomorrow we die!”

O ayan ha, sa bible na mismo nanggaling. Or epicurean na lang kung gusto mong secular. Anyway, kebs.

Woooh! Mabuhay ang bacon!