Ang tanging makakapatay kay Saitama

by Sankage Steno

Pinanood ko yung unang episode ng One Punch Man kagabi sa coffee shop pagkatapos kong antukin sa kababasa ng The Tender Bar ni J.R. Moehringer. Andami ko na kasing napapanood na snippet ng mga laban n’ya sa Facebook, so na-curious ako. Ang ginawa ko, chinat ko yung bunso kong kapatid na mahilig din sa anime.

“Alam mo yung Saitama? Yung One Punch Man?” sabi ko.

“Oo. Ahhaha. Napanood ko na. Hahahaha,” sabi n’ya. “Astig.”

Kaya pinanood ko na rin. Madali naman akong kausap e. Ta’s nu’ng pinapanood ko na, naantig ako du’n sa soliloquy part, yung nagmo-monologue lang s’ya, kinakausap lang yung sarili. At nalaman ko na ang pinakamalaking problema n’ya ngayon is not so much yung mga monster na kalaban n’ya o yung pagiging sobrang lakas n’ya na hindi maipaliwanag kung bakit at paano nangyari.

Problema n’ya yung pag-iisa. “[T]hat scourge of modern life—loneliness,” sabi nga sa memoir na nabanggit ko sa unang talata.

Syempre, kapag mag-isa ka, you tend to overthink. And when you overthink, negative thoughts start to fill your mind, na magdudulot naman para maging malungkot ka. Malinaw naman kung bakit ganu’n yung nararamdaman n’ya e. Ikaw ba naman ang maging pinakamalakas na tao sa mundo, na walang makatalo o makapantay man lang sa ‘yo. Boring nga naman no’n.

It’s lonely at the top.

I should know. #wew

Sabi nga sa isang blog ng Wall Street Journal, meron daw limang dahilan kung bakit malungkot ang maging ‘pinaka’ sa lahat:

  1. Power alters our beliefs about others’ generosity. Binabago ng kapangyarihan ang pananaw natin sa kabaitan ng ibang tao.
  2. Power affects our responses to the kind acts of others. Naaapektuhan ng kapangyarihan ang pagtugon natin sa mabubuting gawa ng ibang tao.
  3. Power reduces trust. Binabawasan ng kapangyarihan ang kakayahan nating magtiwala.
  4. Power reduces commitment. Binabawasan ng kapangyarihan ang kakayahan nating itali ang sarili sa isang bagay o tao.
  5. Power damages relationships in the very moments when they have the greatest potential to develop. Sinisira ng kapangyarihan ang isang relasyon kung kailan nagsisimula na itong umusbong.

Grabe ang lalim na ‘no? Isang shonen anime lang yung pinanood ko, ta’s kung anu-ano na pinagsasabi ko. Don’t worry, di ko na pahahabain. Tatapusin ko na agad ‘to para makanood ng ‘ko ng episode 2. (Shet, isang episode pa lang ‘yan, andami ko nang nasabi.)

May ideya ako kung ano ang makakatalo kay Saitama. Syempre, kung brute force ang pag-uusapan, baka si Son Goku lang ang makatalo sa kanya. Kung energy o chakra, baka pwede rin si Naruto. Pero kung yung magic realism ng anime ang paiiralin, wala ngang makakatalo kay Saitama kahit anong lakas mo pa. Isa lang ang makakatalo sa kanya sa tingin ko.

At nasa bibliya s’ya. Nope, hindi si god. Corny mo.

Alam mo yung kwento ni Samson at Delilah? Hanapin mo na lang sa bible o i-google mo. Basta nawala yung lakas ni Samson nung pagtaksilan s’ya ni Delilah at putulin nito yung buhok n’ya. Yun kasi ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ni Samson.

Anyway, dahil kalbo si Saitama, imposibleng buhok yung kahinaan n’ya. No. Hindi rin naman yun talaga ang nagpahina kay Samson. Ang tumalo kay Samson, na feeling ko ay tatalo rin kay Saitama, ay walang iba kundi pag-ibig.

Umibig kasi si Samson kay Delilah kaya na-reveal yung kahinaan n’ya. Ergo, yun din ang tingin kong makakapaglabas ng kahinaan ni Saitama. Mas corny ‘no? Well, admit it, love can kill. It can… OK, I’ll shut up. Episode 2!