May nagbabalik

by Sankage Steno

Naaalala mo pa ba yung kwento ko tungkol dun sa aninong nanyanig ng kama ko nitong June? Yeah, “it” made my bed rock like Flintstones. How I wish ganun nga yung nangyari. But sadly no. S’ya yung matagal nang nagpaparamdam sa ‘kin dun sa bago kong inuupahang kwarto. Guess what? Nagbalik na s’ya.

Pero hindi ako sigurado kung s’ya nga ‘yon o ibang nilalang. Anyway, just to refresh your memory, pwede mong balikan yung kwento ko na ‘yon dito.

Nagbalik s’ya two nights ago. Nagising ako ng bandang alas-tres ng madaling-araw, ta’s kinakabahan na naman ako for no apparent reason, at pakiramdam ko e may kasama na naman akong iba dun sa kwarto. Ang kaibahan lang ngayon, hindi ganun ka-sinister yung dating sa akin nung aura n’ya. Yung una kasi, ambigat-bigat ng pakiramdam ko, na parang may malaking dictionary na nakapatong sa dibdib ko.

Ngayon wala. Basta kinakabahan lang ako at feeling ko may nanonood sa ‘kin.

Then nabanggit ko s’ya sa dalawa kong kaibigan kagabi, thinking na kapag naikwento ko s’ya sa ibang tao e hindi na mauulit yung experience. I don’t know where I got this notion, pero wala lang. Gusto ko lang ding magkwento.

Hindi s’ya umepek.

Kaninang madaling-araw, nagising na naman ako. Natulog ako bandang 1:30am, kasi nga nakipagkita ako dun sa dalawa kong kaibigan, then nung bandang 4:30am, nagising ako. Ganun ulit yung feeling ko: kinakabahan na parang may iba akong kasama sa kwarto na binabantayan o pinapanood ako. Hindi na naman ako makagalaw sa takot, pero sa isip ko, kinakausap ko s’ya. Tinatanong ko kung and’yan ba s’ya, kung magpapakita ba s’ya.

Habang nakapikit, kita o ramdam ko sa mata ko na parang nagsasayaw yung ilaw sa kwarto. Alam mo yung nakapikit ka, tapos biglang may nagtanggal ng kurtina at nasilaw ka sa sinag ng araw? Lesser version of that. Nararamdaman ko yung konting ilaw sa may bintana at feeling ko e may nagsasara-bukas ng kurtina. So dumilat ako. Wala namang nabago sa kwarto ko.

Hanggang sa mag-alas-singko na ng umaga. Tulad ng sa dati kong karanasan noong June, bigla na lang nawala yung “presence” sa kwarto ko. Nawala yung kaba ko sa dibdib pati yung “aura” na nararamdaman kong nakabantay sa ‘kin. Ta’s nakagalaw na ‘ko nang maluwag, kasi nga nawala na yung takot.

Now, kaya ko inisip na iba s’yang nilalang e dahil nga hindi ganun ka-sinister o evil yung nararamdaman ko compared before. Feeling ko neutral kundi man good force yung nasa kwarto ko ngayon. At tingin ko kilala ko s’ya.

Itutuloy…