Thanksgiving mo mukha mo! Ulul!

by Sankage Steno

Pota ka, anong “Happy Thanksgiving” ‘yang kinakana mo? Gago ka ba? Wala naman tayong Thanksgiving na holiday dito sa Pilipinas, nakiki-celebrate ka? #Wuw

Ano ka, Amerikano? Canadian? Kelan ka pa pumuti? Taray o, ang kinis ng balat. Mestizo at mestiza! Namumula kapag naarawan pero hindi nagkaka-tan. Iba ka rin e. Kung makaasta ka, kala mo kung sino kang kabisado yung Star-Spangled Banner. E yung Lupang Hinirang nga lang di mo maitama-tama yung title o yung lyrics, ta’s makiki-Happy Thanksgiving ka?

Ulul!

Isa ka ba sa mga Pilgrim? Ninuno mo ba yung mga refugee sa England na tumakas at pumunta sa North America para paalisin yung mga lumad doon? Para samsamin yung kanilang lupain at gawing kanila? Yun ba pinagdiriwang mo ha? Yun ba? Sabihin mo!

O baka naman anak ka ng magsasaka o mangingisda. Ano, nakaani ka na ba? Marami bang huli? Hindi ba nasalanta ng bagyo yung mga pananim at kabuhayan mo sa States? Kaya ka ba nagdiriwang ng Thanksgiving e dahil sa maganda mong harvest? Wow, astig. Sinong niloko mo? Kelan ka pa natutong gumamit ng fertilizer sa Metro Manila?

Teka, baka naman kaya ka nagse-celebrate ng Thanksgiving e dahil masaya ka at buhay ka pa rin hanggang ngayon. Tama ba ‘ko? Patawa ka. Kelan pa naging national holiday ang pagiging thankful mo dahil buhay ka? Iba ka talaga!

Tigil-tigilan mo ‘yang pagkahumaling mo sa kahit anong made in the USA ha. Hindi porket nakakaintindi ka ng English at nakakapanood ng Hollywood films e gagayahin at gugustuhin mo na lahat ng galing sa States. Colonial mentality ampota. Tapos ‘yung Martial Law years lang, hindi pa alam. Iniidolo pa yung kasamaan at kahayupan ng mga Marcos. Aba e bobo talaga.

Kung matalino ka, sige nga, ano yung susunod na Philippine holiday? Kelan? At anong okasyon? Sabihin mo nga sa ‘kin o? Bago ka makiuso sa Thanksgiving shit na ‘yan, siguraduhin mo munang Amerikano ka o Canadian. Pustahan tayo o, ni hindi ka pa nga nakakatikim ng turkey sa buong buhay mo e. O ano? Tama ako ‘no?

Tanginang ‘to. Nakita lang sa SM na may Thanksgiving promo, nakiuso na. ‘Wag kang buwang. Panira ka ng araw. Pasapak pa kita ke Bonifacio d’yan e.