Cold feet, sore throat

by Sankage Steno

Wrong timing yung lalamunan ko, pucha. Kung kelan naman concert ko na bukas, saka pa sumakit. Hindi naman s’ya ganun kagrabe, parang may maliit na lump lang. Natatakot nga ako na baka vocal nodules s’ya dahil sa maling paggamit ko ng boses. #Wew Singer pala ako e.

Nagbabasa-basa tuloy ako ngayon kung pa’no yung tamang pag-warm up ng boses bago sumabak sa matinding kantahan. Sana makatulong yung mga nabasa ko. Sana ma-hit ko yung notes at hindi ako ma-flat o pumiyok.

Nung kasing huli naming practice, nafa-flat ako dun sa slow song namin, tapos dun naman sa solo ko na may mataas na part sa dulo, pumiyok ako. The first time na kinanta ko s’ya sa practice, maganda pa yung register ng boses ko, pero dahil siguro sa mga activity ko nitong nagdaang araw, idagdag pa na kulang ako sa tulog, naapektuhan na yung lalamunan ko.

Kinakabahan ako na baka pumalpak ako bukas sa stage. Pero mas kinakabahan ako na di ko ma-meet yung sarili kong expectations. Maganda kasi yung performance ko last year at gusto kong higitan ‘yon ngayong taon. Nakakahiya naman sa past self ko kung hanggang dun na lang ako. Dapat habang tumatanda ako, lalong bumobongga. Di ba, Sankage?

Bukod sa pag-abot ng matataas at mabababang nota, sana magawa ko rin yung harmony. Hindi talaga ako magaling sa second voice at sa blending. Sanay akong kumanta nang solo. Kahit ‘pag kumakanta ako sa choir, melody ang tinitira ko, hindi yung second voice. Isa pa yun sa dumadagdag sa stress ko.

Buti sana kung may formal training ako sa pagkanta o kaya e may natural singing talent, e kaso wala. Inaral ko lang lahat on my own dahil gusto ko talagang kumanta noon pa.

Nakakatakot pa naman yung mga kakantahin ko bukas. Dalawa sa kanila e wala sa comfort zone ko. Yung isa naman, nasa range ko nga, pamatay naman yung dulo. Parang yung “Let the storm rage on” na part sa “Let It Go” ng Frozen. Pero hindi ‘yon ang kakantahin ko. Hindi ko muna sasabihin para surprise. Mahilig kaya ako sa surprise.

Kaya bawal muna ang kape, yosi, malamig na inumin, chocolate, mani at marami pang masasarap na gusto ko. Tiis-tiis muna sa maligamgam na tubig at hindi pagsasalita. Ang hirap din a, lalo na kung makwento kang tao. Susme. Balitaan na lang kita kung papalpak ako sa performance bukas.

http://vignette2.wikia.nocookie.net/drunken-peasants-podcast/images/9/97/Microphone-stand-spotlight.jpg/revision/latest?cb=20151019155953