Exchange gift sa halagang P50

by Sankage Steno

Tatlong araw na ‘kong nababaliw kakaisip kung ano yung pwedeng iregalo sa Christmas dinner naming magkakatropa sa opisina. Napakaliit kasi ng presyo na sinet, singkwenta pesos lang. Ta’s unisex pa! E sanay pa naman ako sa exchange gift na hindi bababa sa halagang P10,000. #Wew

Ang una kong naisip bilhin e pagkain gaya ng chocolate o something consumable like sabon, shampoo or deodorant. E kaso ang mamahal na ng toiletries ngayon. Gudlak sa paghahanap ng murang deo stick. Pinakamababa na yata yung P60. Ta’s yung shampoo at sabon naman, dapat nasa plastic o sachet na lalagyan para mura. Otherwise, kulang P100 ang aabutin.

So pass na muna sa mga ‘yon. Last resort na sina chocolate at sabon. Sumunod kong naisip bilhin e picture frame para maitodo na ang kakornihan. E kaso, naisip ko, kung ako makakakuha no’n, hindi ako matutuwa. Mabubwisit lang ako. Higit sa lahat, walang P50 na photo frame. Duh! Kaya umisip ulit ako ng iba.

I asked myself, “Ano bang kailangan ko?”

Sa office, dahil libre naman ang supplies, syempre, di ko na kinonsider na bumili ng gano’n, kaya ang naisip kong sumunod e mug. Marami kasi sa amin ang mahilig magkape. Ang problema lang, wala akong mahanap na mug simula pa kagabi. Tumingin ako sa Ace Hardware kaso wala. Yung ibang store naman, di ko na nasilip dahil sarado na. Naglakwatsa pa kasi ako, sorry naman.

So kanina lang ako nakaisip at nakabili ng final na pang-exchange gift.

After lunch, dumiretso ako sa Rustan’s. Ang plano ko talagang bilhin noong una e something consumable. Wala e, last minute na. Inisip ko, para nakakatawa, e yung isang box ng Zesto o Big 250. Magdadagdag na lang ako ng konti. Solid ‘yon lalo na ‘pag nakabalot. Malaki na, mabigat pa. Panalo. Pero hindi ‘yon ang nabili ko.

Hulaan mo kung ano yung panregalo ko sa halagang P50. Clue: Consumable pa rin s’ya pero may tama. Hindi s’ya yosi (although gusto ko rin no’n). Hindi s’ya isa kundi dalawang items. O ha! Akalain mong sa singkwenta pesos e makakabili ako ng dalawang panregalo. Achib, di ba?

Siret? Ang nabili ko, na nilagay ko sa paper bag ng Starbucks (for more pang-asar lang), ay sikat na combo drink kapag Friday night. Yung isa nakabote, ta’s yung isa nakalata (pero meron din sa bote). Gets mo na? Last clue: Mas sikat s’ya kapag Oktoberfest.

Kampai!