Sa bahay na lang?

by Sankage Steno

Tinitimbang ko ngayon kung dapat ko bang pagbigyan yung pagkakataong makapagtrabaho sa bahay sa halip na sa opisina. Sa edad ko ngayon at sa klase ng pamumuhay na meron ako, lamang talaga yung sagot na “Ayoko” pero, syempre, gusto ko rin namang alamin yung mga magagandang pwedeng mangyari kapag sa bahay na lang ako nagtatarbaho.

Ito yung mga magagandang bagay na makukuha ko kapag sa bahay na lang ako:

1. Tipid – Hindi na ‘ko magbabayad ng rent kasi pwedeng sa ‘min na lang sa probinsya ako mag-work. Bukod sa rent, libre na rin ang pagkain at mababawasan yung gastos ko sa lakwatsa gabi-gabi.

2. More family time – Dahil nasa bahay lang, mas marami akong oras para sa pamilya ko. Mas makakapag-bonding kami at mas mapapadalas ang usapan.

3. Lutong-bahay – Hindi na ‘ko mamomroblema sa kaiisip kung ano yung kakainin ko kasi nga may nanay akong gagawa nun for me. Makakasiguro rin akong masarap yung kakainin ko araw-araw.

4. Malayo sa boss – Hindi ko na makikita yung boss ko araw-araw. Skype na lang ang koneksyon namin. Mawawala na yung time-consuming na face-to-face meeting sa opisina n’ya. Bawas pressure din mula sa kanya dahil malayo kami sa isa’t isa.

5. Mas malaya – Kahit manood ako ng movie o maglaro o mag-FB habang nagwo-work, pwede na. Hindi ko na poproblemahin yung boss na laging sumusulpot sa likod ko o yung IT Dept. na minamanmanan yung history ko sa internet.

Ito naman yung mga nakikita kong problema:

1. Gastos – Pwedeng tumaas yung bill namin sa kuryente at internet. Isipin mo pa, hindi na libre yung aircon dahil nasa bahay na ‘ko.

2. More family problems – Dahil nasa bahay na yung work ko, sabay ko nang haharapin yung stress sa tarbaho at stress sa pamilya. Kapag may nangutang o nagkasamaan ng loob at kapag may deadline na imi-meet, gudlak na lang sa katinuan ko.

3. Tataba ako – Naglalakad ako papunta at pauwi ng office araw-araw, pero ‘pag sa bahay na lang ako, lalo akong mawawalan ng physical activity. Plus, andun lang yung ref at yung ulam sa kusina. Tsk. Tataba ako ulit, at ayokong mangyari yun.

4. Malayo sa tulong – Kapag nagkaproblema sa internet o PC, wala akong matatawag na IT personnel. Kapag may problema sa tasks, walang boss na makokonsulta agad-agad. Ako lang talaga at yung kasama ko sa bahay na walang pakialam sa tarbaho ko.

5. Walang buhay – Mawawalan ako ng social life dahil sa bahay lang ako madalas. Wala na ‘kong katrabaho at malayo na ‘ko sa night life. Mahihirapan akong magka-love life lalo n’yan, pota. Hindi na ‘ko makaka-aura gabi-gabi. Made-depress ako, shet.

Marami pang dahilan d’yan. Baka may gusto kang idagdag, sabihin mo lang sa comment section. Tatanggapin ko ba ang offer o hindi?