Gusto ko na talagang sumayaw

by Sankage Steno

Antagal ko na palang hindi nakakasayaw. Putek ‘yan. Grabe yung mga concern ko sa buhay ‘no? Napakaburgis lang. Pang-RK. Ikaw naman, pagbigyan mo na ‘ko. Ayoko lang ng mabibigat na topic ngayong Pasko. Pahinga muna ako saglit sa pulitika, relihiyon, love life at kung anik-anik na nagpapatanda sa akin.

Hintayin mo sa January, babalik na yung rants at rancor ko.

So yun nga, na-miss ko bigla yung pagsayaw. Masyado kasi akong naka-focus sa singing career ko ngayon (terey) kaya napapabayaan ko na yung isa ko pang hilig. Sobrang purol ko na tuloy sa pagsasayaw. Di tulad nung high school at college na giling kung giling, tuwad kung tuwad. E antaba ko pa no’n. Ngayon para na lang akong chopstick na sumasayaw.

Ang huli ko pang matinding sayaw e nung nagpunta pa ‘ko sa Boracay almost two years ago. Di ko talaga makakalimutan ‘yon. One of da best parties ‘yon ng buhay ko. Oha! Other than that, wala na ‘kong maalala, maliban du’n sa tinuro kong sayaw sa kapatid ko para sa Christmas party nila last week.

Speaking of which, yung Sorry ni Justin Bieber ang tinuro kong sayaw nila, na s’yang pinapakinggan ko rin ngayon. Dahil din kay Bieber kaya ko na-miss bigla yung pagsasayaw. Ang ganda na kasi ng beat ng mga kanta n’ya ngayon. I’m starting to Bielib na. Hay.

Favorite part ko sa kantang ‘yan yung sa 1:40, right after ng chorus, du’n sa second stanza. Pakinggan mo yung beat, yung background music, hindi yung lyrics ni Justin. Merong sigaw dun na parang tagagubat yung gumawa. Dali, pakinggan mo yung part after ng “But you know that there is no innocent one in this game for two.” Todo-volume dapat.

Nakakatawa na nakaka-wew! Magwawala na ‘ko sa dance floor, pakyukayonglahat!

Ganyan. Ganyan yung effect n’ya sa ‘kin.

Gusto ko sanang mag-club ngayong Friday night kaso wala naman akong kaibigan na mahilig sumayaw. Yung mga kasama kong sumayaw noon, nasa malalayo na ngayon. Ayoko namang pumunta mag-isa sa club at sumayaw do’n. Wait, on second thought, pwede. Hmmm.

Wala na ‘kong pake kung unti-unti nang nagiging parehong kaliwa yung paa ko. Basta gusto kong yumugyog at umindak at magpaikot-ikot sa dance floor. Nate-tempt na nga akong sabayan yung lights and sound show sa Ayala Triangle gabi-gabi. Actually, nagawa ko na s’ya last year and the year before that. Sinasabayan ko talaga ng sayaw yung show. Ang saya kaya. Kebs lang naman yung mga tao.

Sige, ‘pag hindi ako natuloy sa club ngayong gabi, du’n na lang ako sasayaw sa Ayala Triangle.

Watch me whip!