Pamasko

by Sankage Steno

Akala ko puro light, heart-warming topics lang isusulat ko ngayong Disyembre.

I won’t give out the details, pero ganun pala ‘yon. Sa isang iglap pwede kang mawalan ng trabaho. I’m not talking about myself. Safe pa ‘ko for now. Ang tinutukoy ko e yung sa mga kaibigan at kakilala ko. Lunes na Lunes, sasabihin sa kanila na “sibak” na sila sa kumpanya. Tangina lang, ‘no?

Ang ganda ng pamasko ng kumpanya sa kanila.

First time kong makaranas ng ganitong malawakang tanggalan sa trabaho. Wala pala s’yang pinipiling panahon. Kahit magpapasko, pwede kang matsugi sa kumpanyang akala mo e stable at kumikita. Nakakatakot at nakakalungkot lang.

Sila yung kasama ko nang halos dalawang taon, yung mga stress ball at punching bag ko kapag may problema sa work at sa love life. Kung kelan naka-close mo na sila at nakapalagayan ng loob, saka sila mawawala bigla. Timing’s a bitch, ‘no? Di ba, Robin?

Sayang din yung investment ng time and emotion. Di ba nga, sabi sa Little Prince, you become responsible forever for what you have tamed? I know for sure na yung karamihan sa kanila, di ko na ulit makikita ever. Magiging anecdote na lang sila sa buhay ko. Swerte pa ‘yon. Yung mga hindi ko ka-close, gudlak kung hanggang kelan ko sila maaalala.

At pa’no na lang yung kabuhayan nila? Yung iba sa kanila mahigit sampung taon na sa kumpanya. Dito na nabuo yung career nila. Siguradong mahihirapan silang makahanap ng malilipatang trabaho. Pa’no na lang yung mga umaasa sa kanila, let along yung sarili nilang mga buhay? Panira talaga ng vibes ng Pasko.

Ang bigat sa kalooban kasi nakikita ko silang nakangiti pa. They’re taking the news graciously kahit alam mo namang, at the back of their mind, nag-aalala sila for themselves and for their loved ones. Napaka-unfair talaga ng buhay.

I just hope they find this roadblock as an opportunity to start anew. I’m being ideal, I know, but it’s the least I can do now to sympathize with them.

Pa’no ko sila babatiin ng “Merry Christmas” ngayon?