Mabenta pa rin

by Sankage Steno

Jeskelerd. Nakakatamad magtrabaho. Wala pa rin kaming sweldo hanggang ngayon, ta’s yung 13th month pay, bawas pa, installment ang pagbigay. Not to mention na nagkakasibakan sa ibang department. Nakakalungkot na nga yung panahon, pinapalala pa ng mga nangyayari rito sa pinagtatrabahuhan ko.

Buti na lang cute ako.

Ang laking tulong talaga na biniyayaan ako ng magandang mukha. I mean, hindi s’ya perfect, pero pleasant s’yang tignan. Kapag nananalamin nga ako, gumagaan yung pakiramdam ko. Woah! Ang yabang ko, shet. Baka mag-backfire. Baka pumangit ako bigla. ‘Wag naman sana.

Pero seryosong nakakaganda ng pakiramdam yung fact na hindi ako pangit. Isipin mo, kung pangit ako, walang sweldo, walang jowa, ta’s magpapasko pa, siguradong depressed na ‘ko ngayon. But I’m not! Kasi nga cute ako. Gets mo yung logic? Na-offset ng kagwapuhan ko yung ibang negative sa buhay ko. Ang saya-saya!

But don’t think na nagbubuhat lang ako ng bangko. Hindi ko naman iisiping cute ako kung hindi rin nanggagaling sa ibang tao. Exhibit A: Natuloy ako sa club last Friday. At, take note, mabentang-mabenta pa rin ako kahit malapit na ‘kong magtrenta. Kusang naglalapitan ang utaw sa ‘kin. Tumataas tuloy self-esteem ko lalo. Yey!

Hindi bababa sa limang tao yung lumapit sa ‘kin (o nanghipo, char!), nakipagkilala o nakipaglandian. May isa pang nagsabi na “Ang ganda ng katawan mo.” Wow! First time me nagsabi sa ‘kin no’n. Lumaki talaga ulo ko, I swear. Nagka-hydrocephalus ako for two minutes. Hindi naman kasi ako nagpupunta sa gym o nag-e-exercise. Lalong hindi ako nagda-diet. Grabe lang.

At eto pa. Sa tuwing tatanungin nila yung edad ko, sasabihin ko, “Hulaan mo.” Walang halong biro, ang lagi nilang hula e “20?”

Hallelujah!

Hay, ang saya talagang maging gwapo. Napapasaya ko sarili ko kahit wala pang perang pang-club. Kelan kaya darating yung sweldo namin?