Samahan na lang kita, gusto mo?

by Sankage Steno

F.O. na ba tayo kung sasabihin ko sa ‘yong hindi ako fan ng Star Wars? Sasaktan mo ba ‘ko? Pagtatawanan? Io-ostracize? Shet, ano ‘yon? Lalim.

Sorry na. Hindi naman ako nagpapaka-non-conformist this time. Hindi lang talaga ako ganun kabaliw sa palabas na ‘yon. Pero gusto kong panoorin yung bagong movie n’ya ngayon. Tinatamad lang ako kasi wala akong kasama. Samahan mo ‘ko, ok lang?

KKB tayo. Sus, ayan a. Pareho tayong nagtatrabaho ta’s papalibre ka? Huwaw. Hindi na nga ako fan ng palabas, gusto pang pagastusin ako nang todo? Maawa ka naman sa mga inaanak ko ngayong Pasko. Hindi ko ugaling pagtaguan sila. Impak, ako pa nga yung naghahanap at lumalapit sa kanila. Galante kasi akong tao. Pero di kita ililibre.

Ano, sasamahan mo ba ‘ko? Wait, let me rephrase that. Gusto mo bang samahan kitang manood ng Star Wars? Pumayag ka na please. ‘Pag di natin s’ya napanood this week, matatabunan na s’ya ng mga MMFF films sa isang linggo. Baka second week na ng January ang balik n’ya. Or baka never na! It’s now or never. So ano? Game?

I’m not being honest, not wholly.

Hindi naman talaga yung movie ang habol ko. Ok nga lang sa ‘kin kahit di ko s’ya mapanood. Yun ngang Mockingjay Part 2 di ko pa napapanood. Pati yung A Second Chance di pa rin. Wala naman talaga akong pake masyado sa kanila. Ang habol ko talaga is your company.

O, gusto mo ‘yon?

‘Wag ka naman masyadong kiligin. Company lang ang sabi ko. Ibig sabihin, I want a part of your time. Yun lang naman. No biggie. Baka isipin mo, ano… ‘wag na nga! Baka lumaki pa ulo mo. Sagutin mo na kasi ako.

Wait! Shet. That didn’t come out right.

Ang ibig kong sabihin, sagutin mo na yung tanong ko: Gusto mo bang samahan kitang manood ng Star Wars? Handa akong makinig sa mga trivia mo about the movie. Interested naman ako kahit papa’no. Gusto ko kaya yung Ewoks saka sina R2D2, C3PO at Chewbacca. Tama ba? Tama ba yung pagbaybay ko? Correct me if I’m wrong. Ayoko kasing mapahiya sa ‘yo e.

Pero ok lang sa ‘king mahulog sa ‘yo… Kung ok lang din naman sa ‘yo.