Lupang uhaw sa pag-ibig

by Sankage Steno

Hindi ako absent! Kahit alas-kwatro na ‘ko nakauwi galing sa party kanina at kahit pa live telecast ng Miss Universe ngayon, pumasok ako sa office. Oha! Professional ‘to, uy! Naks.

Btw, congrats, Pia Wurts… Wirtz… Wurtzch… Congrats, Pia! Epic fight. Andami kong tawa sa mga memes, jusme. Kanina pa ‘ko nagpipigil ng tawa sa office. Nauutot na nga ako e.

Astig yung party kagabi, grabe. Well, actually, parties. Una, Christmas party with students/friends, tapos Irie Sunday with tropa and officemate. First time kong pumarty ng reggae dito sa Manila at first time ko ring mapanood ang Tropical Depression nang live. Sumabog ulo ko, pramis! Inexpect ko namang kakantahin nila yung hits nila, pero iba talaga ‘pag live.

Inumpisahan nung bagong lead singer nila (RIP, Papadom) yung Kapayapaan with “Lupang uhaw sa pag-ibig.” Yung linya pa lang na ‘yon, napakaripas na ‘ko ng takbo sa dance floor habang bitbit yung Red Horse. Sigaw din ako ng “Lupang uhaw sa pag-ibig.” Then si lead singer, “Naghihintay sa halik ng langit.” Then ako/kami, “Naghihintay sa halik ng langit.”

Kusa na lang umindak yung katawan ko. I mean, buong gabi/madaling-araw na ‘kong sumasayaw, ta’s namahinga ako saglit at nakipagkwentuhan sa mga kasama ko, pero nung tinira nila yung Kapayapaan, yeah man! This is my jam! Sumayaw na ‘ko na parang lahat ng tao e nakatingin sa ‘kin. Wala akong pake! Basta sasayaw ako!

Ang lakas din maka-hype ng ilaw. Kahit walang jutes, na-high ako. Iba talaga ‘pag reggae beat. Partida, wala pa sa Boracay o Puerto Galera ‘yan. Sa B-Side lang kami pumarty ng tropa ko.

Kahit yung mga tropa kong hindi na kilala o inabutan yung Tropical Depression, napasugod sa dance floor nung tinugtog ‘yung Kapayapaan. Tapos sinegundahan pa ng Bilog na Naman ang Buwan. Ay, sinasabi ko sa ‘yo. Hindi lang baskil ang inabot ko sa kakasayaw. Medyo naging jumping jologs nga ako dahil sa mga kasama ko. Ang saya kasi kapag may kabungguan ka at kapahiran ng pawis.

Lam na!

Kung pa’no sinimulan ng Tropical Depression yung Kapayaan, ganun din nila tinapos. “Lupang uhaw sa pag-ibig. Naghihintay sa halik ng langit.” Napunta sa Andromeda yung utak ko. Nabuhayan ang katawang lupa ko talaga. Yun nga lang, naghihintay pa rin ako sa halik ng langit hanggang ngayon. Antagal na, in fairness.

Pero habang hinihintay ko pa yung langit na hahalik sa katawang lupa kong uhaw sa pag-ibig, magsasayaw na muna ako.

Irie Sunday