Happy problem

by Sankage Steno

Naghahanap ako ng bagong trabaho ngayon dahil kinakabahan ako sa mga pagbabagong nangyayari sa kasalukuyan kong pinapasukan. Contingency plan ko lang naman ito, meaning, malaki pa rin yung tsansang manatili ako sa trabaho ko ngayon.

Ang medyo nagpapagulo ng isip ko e etong dalawa kong inapplyang work. Pareho nang gusto akong tanggapin. Grabe no? Hindi lang pala ako sa bar mabenta, pati rin sa job market. Ang swerte kong nilalang. Naks! Kaya siguro malas ako sa love life, pambalanse ng universe. Argh.

Yung isang nag-offer, malaki ang sweldo kaso may night shift. Yung pangalawa naman, mas mababa ang offer pero may opportunity for growth and travel here and abroad. Ang hirap mag-decide. Parehong may pros and cons at parehong tempting. Tulungan mo naman akong magdesisyon bilang lagi naman kitang sinusulatan ng blog. Libre po ito.

Yes, singilan na? Char lang.

Bukod sa job offers na nabanggit ko, may dalawa pang paparating na applications. Mukang masusungkit ko rin, kaso next year pa magkakaalaman. Nakabakasyon na kasi sila.

Back to my current job. Di ba na-blog ko na before na magiging work from home na ang set-up namin? Maganda s’ya, actually, pero ayoko talagang magtrabaho sa bahay. Papayag lang ako sa ganitong set-up kung bibigyan nila ako ng bagong laptop at babayaran nila yung Internet subscription ko. Hindi rin ako papayag na magtrabaho sa hindi aircon na room, so dapat sagutin din nila yung electricity bill ko.

E sa tantya ko, mukhang malabong mapagbigyan yung sa electricity bill. Yung sa laptop, medyo alanganin din, pero feeling ko, ‘pag nalaman nilang aalis ako sa kumpanya, baka magbago isip nila. Yes, ganun po ako kahalaga sa team namin. Bakit? Kasi ako na lang ang tao ng boss ko. Nagsilayasan na po yung iba kong ka-team dati pa.

Bakit sila umalis? Well…

So, ayun. Ang saya lang ng problema ko ngayon, di ba? Sana ganito lang kasimple ang mga problema ko lagi. Enjoy s’yang problemahin. Hindi nakakasakit ng bangs o ng pilikmata.

Nga pala, kung may alam kang trabaho o raket, sabihan mo naman ako. Gusto kong magsulat, mag-cover ng event, mag-travel, mag-imbestiga, mag-research, magturo, kumanta, sumayaw, mag-host, kumain ng buhay na manok, tumulay sa alambre, tumapak sa bubog at maging kambal ng ahas. Let me know kung may opening kang alam. Thanks!