Tulog na, baby

by Sankage Steno

Grabe, ang hirap talagang maging magulang, ‘no? Biruin mo na lang ngayon, kakagaling ko lang sa matinding trapik at pila, syempre pagod pa sa tarbaho, ta’s pagdating sa bahay, mag-aalaga pa ng sanggol. Haggardo Versoza! Pero wala pa ‘kong anak. Sa kapatid ko ‘yung pinatulog ko ngayon lang.

Ang lakas lang talaga ng amats nitong pamangkin kong baby. Napapatulog ko lang s’ya kapag pinaghele ko at kumanta ako ng mabibilis na awitin. Dahil Pasko ngayon, kinanta ko yung Malamig ang Simoy ng Hangin. Naiyak ba naman. Iniba ko agad at ginawang Kampana ng Simbahan. Ayun, natahimik. Ta’s nung tinira ko na yung Christmas Bonus ng Aegis, tulog.

Ibang klase.

Just imagine kung ganito ang set-up mo araw-araw, ta’s wala ka namang nanny o ibang kamag-anak na pwede mong pag-alagain ng anak mo. Ang hirap, shet! Malolosyang ako for sure. Mapapabayaan ko talaga yung sarili ko o yung tarbaho, alin sa dalawa. Oh shoot, baka pati asawa ko if ever. Baka yun pa maging mitsa ng paghihiwalay namin.

Baliw lang. Nag-alaga lang ng bata, na-fast forward na agad utak ko.

Pero valid naman yung sinasabi ko, di ba? It’s foresight. In the near future, kapag nagkaroon na ‘ko ng partner in life at nagpasya kaming magpakasal at mag-anak, ganito rin yung dadanasin namin. Could be worse, right? Mabuti na yung may alam. “Forewarned is forearmed.” Sa’ng palabas ko nga ba narinig ‘to?

Kaya lalo ko tuloy na-appreciate yung mga magulang ko, mga tiyahin, lola, nuno at lahat ng kilala kong magulang. Ang hirap pala! Buti na lang hindi ako naging pabigat na anak masyado. Naniniwala naman akong hindi ako naging masamang anak nung lumalaki ako. Ambait ko kaya. Conduct merit awardee nga ako lagi e. Yung kulay white pa.

Ewan ko lang ngayon kung mabait pa rin akong anak. Hihi. Oy, hindi ako salbahe. Minsan nga lang hindi ako behaved pero, ano… basta… ano… medyo mabait pa rin naman ako. Hindi pa ‘ko lumilipat nang tuluyan sa dark side. Wala naman akong plano, unless magkakaanak ako at may papatay sa anak ko. #Wuw

Na-fast forward na naman yung utak ko. Mukhang kailangan ko na ng pahinga. Pasado alas-dose na ng hatinggabi, nagba-blog pa rin ako. Adik talaga. O sya, magandang gabi. Matulog nang mahimbing at Noche Buena na in less than 24 hours.

Masayang Pasko!