Ang sarap po ng taon

by Sankage Steno

Gusto ko sanang isa-isahin ang lahat ng magagandang nangyari sa akin ngayong 2015 dito sa blog, kaso napakarami nila saka baka mainggit ka lang. Isa pa, ang dami nang gumagawa nun sa Facebook. Ang daming nagpapasalamat sa taong nagdaan at humihiling ng “Be good to me [insert new year here].”

Corny na.

Para maiba nang konti, sasabihin ko na lang yung plano ko para sa unang buwan ng 2016. I know baka mainggit ka na naman, pero ‘wag masyado. Sinasabi ko ‘to para naman ma-inspire ka ring gumawa ng di mo pa nagagawa noon. Try and try until you die, ika nga.

Sa isang linggo, pupunta ako sa kabilang dulo ng Pilipinas. Di ba, last year, pumunta ako sa Batanes noong January. This time, doon naman ako sa dulong timog ng bansa pupunta. Oo, sa Mindanao. Sana lang matuloy. Meron na ‘kong ticket papunta sa Zamboanga City. From there, pwede akong lumipad o magbarko papunta dun sa dulong lalawigan sa timog.

Ano naman ang gagawin ko do’n? Well, actually, wala pa ‘kong plano. Hindi kasi ako mahilig magplano nang sobrang detalyado. Gusto ko laging may puwang para sa gulatan, sa biglaan, sa error, sa misadventure, sa surprise, ganyan. Ayoko nang nakasulat down to the very last detail. Hindi naman ako software na kailangan i-code. Hindi rin naman ako makinarya.

Kaya hindi ako fan ng planners e.

So yun, pagpasok ng taon, lakwatsa agad. Di na bago sa ‘kin ‘yon. Di na rin siguro bago sa ‘yo. Pero bago yung pupuntahan ko. Medyo kinakabahan ako dahil sa reputasyon ng lugar, pero bahala na. Hindi naman siguro magkakaroon ng airport dun kung sobrang delikado talaga, di ba? I have to see it for myself.

Pagkatapos ng trip na ‘to, magpapaalam na rin ako sa pang-araw-araw kong ginagawa. May malaki akong career move na gagawin ulit. Medyo nakakasawa na nga e, pero maganda naman ang pakiramdam ko dito sa dumating na opportunity. Panibagong hamon na naman ‘to sa talino ko at sa pakikitungo ko sa ibang tao.

Sana magtuloy-tuloy na para makabalik na rin ako sa pagko-cover. Sa pagiging totoong journalist. Nakakaburyong din kasi kung lagi lang ako sa opisina araw-araw. Pa-email-email. Patawag-tawag. Hindi naman coverage na matatawag ‘yon. Gusto ko yung kaharap ko talaga yung ini-interview ko. Gusto ko nasa pangyayari talaga ako para mas dama ko yung kinukwento at sinusulat ko.

Excited na talaga ako rito. Kinakabahan, oo, pero mas excited.

Then, bago matapos ang Enero, balak kong pumunta na talaga kay Whang Od. Jusme, pangatlong beses na yatang nauudlot. Ayaw yata talaga akong papuntahin do’n. Baka it’s a warning sign. Baka dapat hindi talaga ako pumunta ro’n. Shet, yung prophecy. Shet!

Sige, ‘pag hindi ako tumuloy sa Kalinga sa katapusan ng buwan, hahanap na lang ako ng ibang lugar na mapupuntahan. Hahanap na lang ako ng ibang bundok na maaakyat at magagapang. Or, better yet, hahanap na lang ako ng taong pwede kong akyatin at gapangin anytime.

Parang mas gusto ko ‘yon. Oo, yun na lang. Sarap po. Magandang araw, 2016!

https://i0.wp.com/mw2.google.com/mw-panoramio/photos/medium/33668573.jpg