Basain mo ako ngayong 2016

by Sankage Steno

Nabasa ka ba kagabi? Ako, oo. Nagpabasa talaga ako sa pagsalubong sa 2016. First time ko kasing naranasan na me ulan ng New Year’s Eve. Wala talaga akong memory na umuulan habang nagpuputukan at nag-iingayan, kaya natuwa ako sa bagong experience na ‘to. Ikaw, natuwa ka rin ba?

So bale yun din ang first time na naligo ako sa ulan para sa taong ito. Tumakbo talaga ako papunta sa kalsada at taas-kamay na nagtatatalon sa gitna ng di-kalakasang ulan. Sarap po. Na-try mo ba? Nakakakiliti sa balat, lalo na sa mukha nung tumingala ako sa maulap na kalangitan.

Magpapaka-superstitious ako ngayon kaya iisipin kong swerte s’ya. Feeling ko, magiging basa ako most nights of the year. Shet!

Ang bastos ng naiisip ko. Naisip mo rin ba? Edi pareho lang tayong bastos… in a good way. Bakit, ano bang masama sa naiisip natin? It’s not a bad thing. Mabuti kaya s’ya. Very positive. Kasi kung wala yung bagay na iniisip natin, wala rin tayo sa mundo. Wala tayong lahat! Think about that. Tapos sasabihin nila masama ‘yon? How come?

It’s the source of life. For some, it is life itself. Di ba, di ba? Sabihin mong sumasang-ayon ka sa ‘kin. Kung hindi, well, you can stop reading now and go back to what you were doing before clicking this stupid blog post. Charot. Biro lang. Continue reading please. Okay lang naman sa ‘kin kung hindi ka sang-ayon at kung hindi mo naisip yung naisip ko. Whatever floats your boat. Kanya-kanya lang ‘yan.

So yun nga, nagpakabasa ako. I’m thinking, since may pupuntahan akong beach sa Mindanao sa isang linggo, it’s another good sign na swerte talaga yung ulan kagabi (hanggang kanina). Pagkatapos ko sa beach next week, pupunta naman ako sa isa pang beach sa Luzon by end of January or by February. Tapos sa March, baka bumalik ako sa Mt. Pulag. Maulan din do’n kasi rain forest s’ya. Sa April, Boracay naman. Sa May, baka sa Bohol kami. Sa June, baka nasa Camarines Norte ako. Sa July…

Hay, andami. Basta ‘yan yung plano for now. Karamihan talaga mababasa ako.

Pero ang pinakagusto ko talagang basaan e yung ano… yun nga… yung ano ba… yung naisip nga natin kanina. Ayokong sabihin kasi alam na naman natin yun. I don’t like to belabor the obvious. Medyo dirty nga lang s’ya, but I can live with that. Kahit gabi-gabi pa. Shet! ‘Wag lang akong magkakasakit. Mahirap na. Magastos saka, ano… basta.

Sa’n pa ba ako pwedeng mabasa this year? Naliligo naman ako araw-araw… almost. May naiisip ka pa ba? Comment mo na lang. Susundin ko kapag doable.

https://i1.wp.com/25.media.tumblr.com/tumblr_m298782LlF1r0dai6o1_500.jpg