Atat na atat

by Sankage Steno

Pinipigilan ko yung sarili kong i-google yung Merloquet Falls at yung Sta. Cruz Island, pati na rin yung mga pagkain dun sa pupuntahan ko this weekend. Ang hirap po n’ya, pramis. Ang hirap magtimpi at magpigil. Para akong batang may mababang EQ. Pero di ko pa talaga tinitignan, I swear.

Dahil hindi ako makapag-focus sa trabaho, gumawa ako ng mabilisang paraan para hindi masyadong masabik sa una kong trip ngayon taon. Medyo mabisa naman yung mga naisip ko. Naibsan kahit papa’no yung pagkaatat ko. Eto yung mga ginawa ko:

1. Kumain – Parang moving on stage lang ‘yan e. Kain lang nang kain ng masasarap at matatamis. Kanina, kumain ako ng Nips na may peanuts, M&Ms na walang peanuts at Wiggle na bigay ng officemate ko. Meron din akong mangosteen candy na pasalubong ng kaopisina kong galing Mindanao. Ayun, kanina pa ‘ko ngumunguya sa desk ko.

2. Isipin yung crush – Kanina ko pa rin pinagpapantasyahan yung crush ko. Kesa naman mabaliw ako sa pagkaatat ko sa trip, edi isipin ko na lang na kami na nung crush ko at nagse-sex kami sa beach, ganyan. Medyo nakakasikip nga lang s’ya ng pantalon at nakaka-distract din sa trabaho kaya di ko masyadong pinush ‘to. Nagparaos na agad ako sa banyo. Charot.

3. Sinampal ang sarili – Para magising ako sa katotohanang may trabaho akong dapat tapusin, kinailangan ko na talagang sampalin ang maganda kong mukha. Ang sakit po, pero worth it naman ang pain. Biro lang. Hindi po s’ya worth it. Para akong tanga sa pananakit sa sarili ko. Sinasaktan na nga ako ng ibang tao, pati ba naman ako dadagdag pa? ‘Wag ganun, Sankage.

Iyan pa lang ang ginagawa ko. Gusto ko sanang makipagchikahan sa mga kaibigan ko kaso lagi ko lang ding nababanggit yung trip ko. Bumabalik din ako sa kinasasabikan kong bagay. So iniiwasan ko na lang makipagkwentuhan muna sa kanila. Makakahanap at makakahanap kasi ako ng paraan para isingit sa usapan yung nalalapit kong biyahe.

Problema ko mamayang gabi, kapag ako na lang mag-isa. Siguradong di ko na mapipigilan yung sarili kong maatat lalo. Para talaga akong batang hindi makatulog dahil excited sa field trip. Grabe. Hindi ko na nakalakhan yung bertud ko na ‘to. Basta talaga sa mga gala, nagiging pasko yung pakiramdam ko. At least masaya ako.

Magpasampal kaya ako sa crush ko? Hit me baby one more time.