Ako si Zuko

by Sankage Steno

Magaling na yung sugat ko sa mukha. In two weeks, naging shining, shimmering, splendid na peklat na lang s’ya. It’s so amazing. Maraming salamat sa Bactroban at sa nurse na nagpahid no’n sa mukha ko. Hi hi!

At dahil din dito sa peklat na ‘to sa aking kaliwang mata, naging 1/4 kamukha ko na si Zuko, yung nagturo ng fire bending kay Avatar Aang. Astig ko na ‘no? Parang thug life na talaga. I have a scar to prove it. Di na ‘ko poser. Yehey!

Isa si Zuko sa paborito kong characters sa Avatar: The Last Airbender kasi ang lalim ng hugot n’ya sa buhay at ang interesting ng development ng story n’ya. Tapos, sa huli, naging kakampi pa s’ya nina Aang. Gusto ko yung mga taong natatalo yung demons nila sa buhay. Ang cool pa nung kay Zuko kasi nagta-travel s’ya.

Parang ako lang.

Ang kaibahan nga lang, wala akong fire-bending skills at wala akong wise uncle na nagbibigay sa ‘kin ng words of wisdom. Mas matalino kasi ako sa lahat ng tito ko. Ako pa nga yata ang nagbibigay sa kanila ng advice. Pero, syempre, pagdating sa buhay, mas maalam sila. Wala akong alam sa pagpapalaki ng anak at pagbuo ng pamilya. Bobo ako sa department na ‘yon.

Anyway, natutuwa lang akong makita yung unti-unting paghilom ng sugat ko sa mukha. Every day, nakikita ko yung pagbabago, yung pagbalik ng maganda kong mukha at yung pagkati n’ya nang matindi.

Alam mo kasi, kapag nangangati na ang sugat, ibig sabihin no’n, gumagaling na s’ya. Kaya ikaw, kapag sugatan ang puso mo at nagsimula ka nang katihin, isa lang ibig sabihin n’yan. Naka-move on ka na. Congrats, parekoy! Yabang, nangangati na ulit. Naka-get over na sa manlolokong ex. Pa-canton ka naman d’yan! Kamutin na ‘yan!

Grabe yung tinitiis ko araw-araw ha. Hindi ko talaga s’ya kinakamot kahit naniniwala ako sa kasabihang “Ang hapdi natitiis pero ang kati hindi.”

Kapag kinamot ko kasi, as you know already, magiging sariwa na naman yung sugat. Ayoko namang tuklapin agad yung tuyong sugat. Kadiri, ano ba! Pakain ko sa ‘yo, gusto mo? Mayaman naman s’ya sa protein and bacteria. Di ba mayaman din naman sa bacteria yung Yakult? O, aayaw pa? Try mo na.

Wish ko lang for now e hindi na mawala yung shining, shimmering, splendid na peklat ko sa mukha. Gusto kong maging parang tattoo s’ya ng mga katutubo natin, ng mga pintados. Gusto kong gawing tatak s’ya ng aking katapangan at katangahan at the same time. Saka maganda s’yang conversation starter sa bar. Sasabihin ko nakuha ko s’ya sa Mindanao, nung nakipagbakbakan ako roon.

Ayos, di ba? Zukong-Zuko talaga ang peg ko.