2 years a slave

by Sankage Steno

At long last, I’m free!

Free from my boss, that is. Grabe, dalawang taon din yung tiniis ko sa piling ng mapagmahal at mapagkalinga kong boss. Achievement unlocked! Ito na ang huling araw ng aming pagkikita. Bukas at sa mga susunod na araw, tadhana na ang bahala kung magkukrus pa muli ang aming landas. Tadhana, please be good to me.

Alam mo kasi, kapag tinatanong ako ng ibang tao kung anong klase yung boss ko, ang lagi kong sagot, “Mabait s’ya as a human being, pero as a boss…” Kung hindi ko iniiwang naka-hang yung kausap ko, sinasabi ko na lang, “Like a boss.”

Gets na nila ‘yon.

Saka kung napapansin mo minsan, kung friend kita sa FB, nag-i-istatus ako ng patungkol sa kanya kapag nasasabon ako o inuutusan nang sangkaterba na hindi ko alam kung ano uunahin. Pero kung nalalabuan ka pa rin sa paglalarawan ko sa boss ko, ganito na lang: Ang codename namin sa kanya ay Voldemort. Pero ngayon, naging Darth Vader na s’ya.

At eto pa: Ako na lang ang natitira n’yang subordinate ngayon.

Marami nang editor ang dumaan sa kanya, pero lahat sila e nagsipag-alisan na. Noon pa. Isang taon na akong solo flight. Now kung maayos naman ang pasweldo sa kumpanya mo pero nagsisipag-resignan pa rin yung mga empleyado, look to the boss or the immediate supervisor or the manager. Baka yun ang problema. In our case, yun na nga!

But everything will soon be water under the bridge. Matatapos na ang pagpapakasakit ko araw-araw. In fairness naman, lalong humaba ang pasensya ko sa buhay. Hindi na ‘ko madaling mainis sa mga bagay-bagay. Kung dati mabait na ‘ko, ngayon mas mabait pa ‘ko. O di ba? May naitulong naman kahit papa’no yung mga pinagdaanan ko sa kanya.

I’m a better person because of him.

Grabe, para talaga akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Parang nawala yung pasan-pasan kong isang sakong bigas. Parang nakahanap ako ng inodoro sa gitna ng NLEX dahil taeng-tae o ihing-ihi na ako. Ganun yung nararamdaman kong relief. Parang gusto ko na ulit maniwala na may diyos.

Ang hiling ko lang, bilang corporate slave pa rin naman ako, sana mabait yung susunod kong amo. Ayos lang naman sa akin kahit mahirap yung trabaho. Basta mabait at kasundo ko yung boss, walang problema. Lalo na kung nakikita mong masipag talaga s’ya at tinutulungan kang maging mas magaling na tao, aprub na aprub ang boss na ‘yon. E kung mahirap na nga yung work, ta’s pahirap pa yung boss, ekis. Ayawan na. Two years lang, para matapos yung bond.

Pero wala akong bond, literally and figuratively speaking.