Ano ba magandang ipabatok?

by Sankage Steno

Antagal ko nang pinaplanong umakyat ng Kalinga para magpatato kay Whang Od, pero di matuluy-tuloy. Pero bukas, kung ipagkakaloob ni Kabunyan na hindi kami ma-Tado sa biyahe, magkikita na talaga kami ng “last” tattoo artist ng Kalinga. Nasasabik na talaga ang tumbong ko, pramis.

Kaso lang nga, hanggang ngayon, hindi pa rin ako desidido kung magpapabatok nga ako sa kanya. Ang gusto ko lang talaga e makita siya nang harapan at habang nagtatato ng ibang tao. Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko yung sakit. Ang dami ko na kasing masasakit na karanasan sa buhay, dadagdagan ko pa ba?

Tanga lang?

Seriously though, bukod sa mahina ang threshold ko sa physical pain, wala pa rin akong ideya kung ano ang ipapatato ko sa katawan at kung saang parte ng aking gorgeous body. Pwede ba dun sa ano ko? Yeah, dun.

Una, gusto ko e may “meaning” o “kwento” yung itatatak ko sa aking balat. Pangalawa, gusto ko e may kapareha ako sa pagpapatato ko, hindi yung maisipan ko lang. Kasi naman, hindi ako warrior to deserve Whang Od’s batok. Hindi rin ako pintados. Karaniwang tao lang ako mula sa kapatagan. Bakit n’ya ‘ko tatatuan? Dahil lang sa may pambayad ako? Wew.

Dami kong arte sa katawan ‘no?

Pero, tignan natin. Baka naman kapag andun na ‘ko bukas at nakita ko na s’ya, baka di na ‘ko mag-inarte. Ayan na s’ya e, any-any baka mamatay na rin s’ya dahil sa katandaan (knock on pine wood), so gorabels na. Papabatok na ‘ko kahit walang meaning, kwento o kapareha akong kasama. Willing to pay naman ako kahit magkano.

Ano bang magandang ipatato? Right now, baybayin lang ang naiisip ko para maliit lang. Di ko talaga kaya yung malaki. Masakit po. Aray ko. Lourd, patawad. Pwede rin naman yung nasa balat mismo ni Whang Od, pero yun nga, baka mahal saka hindi naman akma sa kwento ng buhay ko.

Ikaw, ano sa tingin mo ang bagay sa ‘kin?