Oo, kasalanan ko

by Sankage Steno

Hindi naman sa nagrereklamo ako ‘no, pero ang hirap din kapag 2:30 pa lang e tapos ka na sa trabaho mo at kailangan mo pang maghintay ng dalawa o tatlong oras para makalabas ng opisina. Kasalanan ko ba kung mabilis akong mag-isip at magsulat?

Oo, kasalanan ko. I’m sorry, Myself.

Ang ginagawa ko para hindi masyadong halata na wala na ‘kong ginagawa, dini-delay ko yung pagse-send ng story o article. Kapag natapos ko s’yang isulat in less than an hour, naghihintay muna ako ng isa pang oras o kahit kalahating oras bago ito i-send sa boss ko. Katulad ngayon, blog-blog muna bago mag-email. <Evil laughter in the background>

Based on my experiences kasi sa mga dati kong trabaho, kapag nalalaman ng boss na mabilis akong magtrabaho, either iisipin niya na tamad ako dahil nakatengga na lang ako sa office or dadagdagan niya yung load ko (kahit walang dagdag sa pay). Unfair, di ba?  Karamihan pa naman sa mga napapasukan ko e hindi merit-based ang kalakaran. Saklap! Kasalanan ko bang efficient akong magtrabaho?

Oo, kasalanan ko. I’m so sorry, Myself.

Commercial break: Naalala ko bigla yung kauna-unahan kong trabaho bilang EPAL sa number 1 newspaper sa Pilipinas. Tagalatag ako ng balita sa pahina at taga-proofread. Madalas, nagagawa ko yung trabaho ko in one hour or two, tapos tapos na. Tengga na ‘ko forevs. Isa ‘yon sa mga dahilan kung bakit ako nagsimulang mag-blog, para pampalipas ng oras at para di masayang ang brain cells ko. Hi hi.

Actually, kahit ngayon, napansin kong sa akin sine-send ng boss ko yung mahihirap na article o yung mga stories na nakatambak sa kanya. Again, hindi ako nagrereklamo na sa akin n’ya ibinibigay ‘yon dahil, una, trabaho ko naman ‘yon at, pangalawa, inaasahan n’ya ako. The fact na sa akin n’ya ibinigay at hindi sa iba means something. Ibig sabihin, may silbi ako sa team at mahalaga ang skills ko.

Hindi rin naman balasubas yung bago kong boss kapag may inuutos o ipinapagawa sa akin, and that’s a really BIG change for me. Alam mo naman ang kalakaran sa media, kung ikaw ay overly sensitive at balat-sibuyas, di ka tatagal. Lagi kang magigisa.

Wait, ayan, nahalata na ng boss ko na wala na ‘kong ginagawa. Binigyan ako ng panlima kong isusulat ngayong araw. Am I complaining? No. Natutuwa nga ako e. Para akong kinikiliti sa tiyan. Kasalanan ko bang magaling ako?

Oo, kasalanan ko. Sorry naman.