Good job, GMA, Inquirer and Comelec

by Sankage Steno

Sabi ni Binay sa intro niya sa #PiliPinasDebates2016, laki raw s’ya sa hirap at namatay yung nanay n’ya dahil wala silang pampagamot. Pero sa Round 1, sinabi naman n’yang pinamanahan daw s’ya ng mismong nanay n’ya ng at least dalawang lupain bago ito yumao. Ano ‘yon, sa halip na ibenta ang ari-arian para may ipampagamot s’ya, ipinamana na lang sa anak n’ya?

Hindi ito na-point out ni Miriam sa kanyang 60-second rebuttal.

Isa ‘yon sa mga pinanghinayangan ko sa kauna-unahang presidential debate kahapon, pero, overall, nasiyahan ako sa pakanang ito ng Comelec. Ngayon lang ulit nila ‘to ginawa after more than 20 years. Noong 1992 pa ang huling debate na tulad nito, at andun din si Miriam. Wow.

I have to say, maganda rin ang ginawang coverage ng GMA (kahit maraming TV commercials) at ng Philippine Daily Inquirer. Yung mga tanong nina Mike Enriquez at Jessica Soho, pati na rin ni John Nery, napapanahon at very specific. Yun nga lang, hindi ganun ka-specific yung sagot ng mga kandidato. Marami pa rin ang dinaan lang sa paawa, hugot, yabang o joke.

Si Grace Poe lang yata ang nag-research. Thanks to her staff na, ayon sa source ko, mga dating nagtatrabaho raw sa media. No wonder.

Kung ako ang tatanungin, si Poe ang nanalo sa debate kahapon. Meron pang dalawang paparating kaya pwede pang makabawi yung ibang kandidato. Sa March, TV5 at Philippine Star naman ang hosts. Tapos sa April, ABS-CBN at Manila Bulletin. Para naman sa vice presidential candidates, meron din silang debate sa April, to be hosted by CNN Philippines, Business Mirror and Rappler.

Dahil sa ipinakitang kahandaan ni Poe kahapon, halos 50-50 na ‘ko sa boto ko para kay Roxas (na sa aking palagay e nagbitaw ng pinakamagandang rebuttal kagabi: Makati of the rich ng mga Ayala at Makati of the poor ng mga Binay). Pwedeng-pwede pa talagang magbago ang isip ko.

Sa dalawang susunod na presidential debate, narito ang ilang mungkahi ko para mas maging kapanapanabik at makabuluhan ang pagtatalo ng ating mga kandidato:

  1. Bawasan ang TV commercials para humaba ang airtime ng debate.
  2. Gawin pang mas maaanghang at mas mahihirap ang mga katanungan.
  3. Dagdagan ang oras na ibibigay sa mga kandidato para sa pagsagot nila. Kulang na kulang ang 90 seconds para sagutin ang mahahalagang isyu sa bansa.
  4. Dagdagan ang sagutan (at talagang debate) sa pagitan ng dalawang kandidato. Naging parang Q&A portion sa beauty pageant kasi ang nangyari kahapon.
  5. Magdagdag ng isang round na parang Royal Rumble, yung kahit sino pwedeng sumabat at kontrahin ang ibang kandidato.

Yun lang naman. Basta sobrang natuwa ako sa debate kagabi. Sa sobrang tuwa ko nga, gusto kong sumigaw ng “More! More!” sa bahay. Isa pa, natuwa rin ako sa aktibong pakikilahok ng madlang pipol sa social media. Sana sign ito ng pagiging mas matalino ng mga botanteng Pilipino.