Maraming bobo sa Internet

by Sankage Steno

I’m giving those Marcos trolloyalists a taste of their own medicine. Pagkagising ko pa lang kanina, nakikipagtalo na ‘ko sa comment section ng mga #EDSA30 photo sa Facebook. Inaaway ko at binabarubal yung mga bobong may sariling bersyon ng kasaysayan at hindi nakakaintindi sa kahulugan ng EDSA People Power Revolution.

Pero may isang comment ang nakapagpa-facepalm sa akin. Di ko na babanggitin ang pangalan nung bobong ‘yon dahil baka makasuhan pa ‘ko ng libel o slander. Ang sinagot ba naman n’ya sa comment ko:

Bakit ba may martial law?

Tinignan ko yung profile n’ya at nakita ko yung post n’ya against Aquino at pro-Marcos. Doon pa lang kitang-kita na ang kamalian n’ya. Hindi po Aquino vs Marcos ang EDSA Revolution. Ito po ay People of the Philippines vs Marcos.

Sa tanong n’yang ‘yan, ipinakita lang n’ya at ng mga tulad n’ya kung ga’no sila kabobo. Ito ang sinagot ko sa comment n’ya:

Hindi ka ba nakapag-aral o sadyang bulakbol ka lang? #labyu #EDSA30

Sasabihin mo rude ako at pinalampas ko ang chance na i-educate ang taong ‘yon. EXCUSE ME! Ang dami ko nang naisulat sa blog na ‘to para i-educate ang maraming nagbabasa rito. At hindi ako rude; sabi ko nga, I’m giving them a taste of their own medicine. Ipinapadama ko sa kanila kung paano maging sarado ang utak, which I think di rin naman nila mage-gets.

Isipin mo kung ga’no kabobo yung tanong na ‘yan at kung ga’no kalala ang education system natin (kung ‘yon ang gusto nating sisihin sa pagdami ng mga revisionist at mangmang sa bansa).

1. Ang bobo ng tanong at nagtanong dahil:

  • Pwede naman n’yang i-google yung sagot sa tanong n’ya. Ano, free data lang ang gamit n’ya? Edi sa Facebook s’ya maghanap ng sagot mula sa mga credible pages and sources.
  • Sabi ko nga, hindi ba n’ya inaral ‘yon noong elementary o high school o college?
  • Kung hindi man s’ya nag-aral nang mabuti, di ba n’ya napanood sa TV yung mga balita at documentary tungkol sa batas militar?

2. Ipinakita ng tanong at ng taong nagtanong kung:

  • Gaano ka-gullible (o uto-uto) ang mga gumagamit ng Internet. Kung ano mabasa sa Facebook, paniniwalaan agad.
  • Gaano kahusay yung mga revisionist sa pagpapalaganap nila ng maling impormasyon at maling aral ng EDSA Revolution.
  • Gaano kapangit ang pagtuturo ng history lessons sa ating mga paaralan. Baka nga naka-focus lang lahat sa panahon ng Espanyol at di na natatalakay ang Martial Law.

3. Dahil sa tanong at taong nagtanong na ‘yan:

  • Lalo akong napaniwalang marami ang bobo o mali ang pagkakaintindi sa mga naipanalo natin dahil sa People Power.
  • Naging malinaw sa akin ang kakulangan sa mga aral at sa mga taong magtuturo nang tama hinggil sa Martial Law at sa EDSA People Power Revolution.
  • Nalaman ko kung gaano ako kaswerte sa edukasyon ko at kung gaano kalaking hamon ang meron ako kung seseryosohin ko ang pagtatama sa mga kabobohang ito.

Hindi ko talaga kinaya yung tanong na ‘yan. Ang masakit pa lalo, kapag pinaliwanagan mo o hinainan mo ng paliwanag na malinaw at galing sa kapani-paniwalang source, hindi sila maniniwala. Sarado na ang isip nila sa kung ano ang gusto nilang paniwalaan.

Hindi sila naturuan kung paano mag-isip. Nakakaiyak ang antas ng kabobohang ito. Pakiramdam ko tuloy, dahil sa dami ng bobo sa Internet, isa na ‘ko sa pinakamatatalinong taong nabuhay sa mundo. E hindi naman. Marami lang talagang bobo.