Leap year resolution

by Sankage Steno

Dahil leap day ngayon, nagpasya akong gumawa ng isang bagay na gagawin ko lang ulit matapos ang apat na taon (leap year).

And that is sex.

JK! I can’t! Ikaw naman di ka na mabiro. Masahol pa ‘ko sa hayop ‘pag nagkataon. No! Erase. Erase.

Rather, I will withdraw from sex every Feb. 29.

JK! Biro lang ulit. ‘Kaw naman, nagpapapaniwala ka agad sa mga sinasabi ko. Have a critical mind naman. Hindi naman ako ganun kahayok sa sex tulad ni Pacman o ng mga hayop d’yan. Mababa lang kaya ang level ng libido ko. Sa sobrang baba, mas mataas pa ang critical level ng tubig sa Angat Dam.

O ang tindi no’n!

Sige na nga, hindi na. Hindi ko na itutuloy yung isang bagay na gagawin ko lang every four years. Ang hirap naman kasing mag-isip. Ang balak ko ngayon e mas mahirap. Gagawa na lang ako ng isang bagay tuwing leap year na hindi ko na ulit gagawin o magagawa kahit kailan sa buhay ko.

Naisip ko ‘to nang magbalik-tanaw ako sa mga nangyari sa aking buhay nitong mga nakalipas na leap year.

  • 2012 – Nakipagsuntukan ako sa kapatid ko. As in with matching dugo, ganyan, at basag na salamin.
  • 2008 – Nagtapos ako sa Unibersidad ng Pilipinas, cum laude (lang, shet, pero UP centennial graduate ako) at nanalo sa Singing Bee.
  • 2004 – Well, nagtapos ako ng high school (9 lang medals ko, nagkulang ng isa, pakingshet ‘yan) at nakapasok sa pangarap kong college.
  • 2000 – Millennium graduate! With honors, syempre. (Elementary nga lang.)
  • 1996 – Surprisingly, wala akong maalala sa taong ‘to maliban sa crush kong may asawa na ngayon.
  • 1992 – Nagsimula akong mag-aral (formally). First time maging ‘independent’ sa kindergarten school. Nakakuha ako ng Diligence Award at di ko alam kung ano ‘yon.
  • 1988 – First birthday ko. (Ewan ko na lang ‘pag naulit pa ‘to sa buhay ko.)

Puro school lang karamihan ‘no? My life is kinda boring. Well, not really. Ayoko lang isiwalat lahat ng personal na detalye ng buhay ko rito. Ano ka, sinuswerte? Kung feeling mo sobrang honest ko na sa blog na ‘to, nagkakamali ka. Honest lang, hindi super.

For this year, may nagawa na ‘kong isa na feeling ko e hindi ko na ulit magagawa in my lifetime, at yun ay ang buwis-buhay kong biyahe mag-isa sa Tawi-Tawi at Zamboanga City. Idagdag mo pa na election season ngayon at na-ambush yung mayor ng Tawi-Tawi sa Zamboanga City days after kong pumunta roon. Nagkita pa kami sa resort.

Astig, di ba?

In addition, nakapagpabatok din ako sa apo ni Whang-Od. Although naniniwala akong hindi ito ang huli kong tattoo sa katawan, malakas naman ang kutob kong ito na ang huli mula sa Butbut tribe. Baka hindi na ‘ko bumalik sa Buscalan ulit. Hirap e.

So ano na nga ‘yung gagawin ko ngayon na hindi ko na gagawin ever?

Abangan mo na lang sa mga susunod kong blog entry. (Pabebe ampota. Kainis! Pakme!)