Ano nang nangyari sa mayayamang pari?

by Sankage Steno

Kilala mo ba yung “healing priest” na si Fr. Fernando Suarez? Nagmimisa s’ya dati sa Trinoma. Sabi nila nakakapagpagaling daw s’ya, pero syempre hindi ako naniniwala. As usual, maraming naniniwala sa kanya, mayaman man o mahirap.

Ang tanong ko, ano nang nangyari sa kanya matapos yung iskandalong kinasangkutan n’ya noong 2014?

Kung di mo alam, meron kasi s’yang mega-project noon sa Batangas. Balak n’yang magtayo ng shrine ni Mama Mary na mas mataas pa sa 30-meter-high Christ the Redeemer statue sa Rio de Janeiro. Popondohan s’ya dapat ng San Miguel Corp. (SMC) sa halagang P1 billion. Pero, nag-collapse yung deal at di na tinuloy yung project.

Kung bakit di natuloy e dahil daw sa maanomalyang paggamit ng healing priest sa pondong ibinigay sa kanya. In other words, si Fr. Suarez ang nakinabang sa pera. Sabi nga ni Tulfo sa column n’ya sa Inquirer, ayon sa kanyang source, nag-iba raw yung lifestyle ng pari. Naging bongga raw. Heto yung sinabi ng SMC insider:

Before, Father Suarez would come to RSA’s office wearing only a T-shirt and sandals, but now he wears expensive clothes and watches, stays in five-star hotels and attends tennis matches like the Wimbledon Classic and the French Open.

RSA stands for Ramon S. Ang, yung may-ari ng SMC.

Ako mismo ang nakasaksi sa mga tennis match na ‘yan. Nag-cover ako noon ng event ni Fr. Suarez sa Manila Polo Club malapit sa BGC. Kitang-kita ko yung pagiging social climber ng paring ito. May tagasilbi, napalilibutan ng mga utu-utong mayayaman at nakataas pa ang paa habang kumakain. Yes, I’m being judgmental. Pari s’ya, hello?

Bukod dito, yung isa pa naming editor, nag-cover din ng bagong tayo n’yang simbahan sa Iling Island sa Occidental Mindoro, isang isla na walang kuryente at lugmok sa kahirapan. Alam mo kung pa’no pumunta yung team namin doon? Private jet.

Sino pa nga bang may pakana? Either si Fr. Suarez o yung mayayaman n’yang “kaibigan” na naniniwalang may healing powers s’ya at kaya n’yang iligtas ang kaluluwa nila.

Ngayon, wala nang balita sa paring ito. Sabi sa column ni Rina Jimenez-David, andun na raw si Fr. Suarez sa Iling, full time, kasama ng mahihirap n’yang parokyano. Um, okay.

Speaking of rich priests, ano na rin bang nangyari sa Pajero 7?

Naaalala mo pa ba sila? Nabalita ‘yan noong 2011. Let me refresh your memory. Sila yung mga pari at obispong niregaluhan diumano ni Gloria Macapagal Arroyo (GMA) ng Mitsubishi Pajero gamit ang pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Yung “donation” daw na ‘to ay nakagawian na ni GMA na nanganib dati sa posisyon dahil sa “Hello Garci” election cheating scandal.

Para sa kaalaman ng lahat, hindi bababa sa P1.2 million ang halaga ng kotseng ‘yan.

Heto yung statement ni PCSO Chair Margarita Juico tungkol sa nasabing scandal:

She (GMA) moved to divide the bishops by getting some of them on her side to ensure that the CBCP (Catholic Bishops’ Conference of the Philippines) would not have a unified stand on her. But it’s hard to make these allegations without evidence or else I will be like (former PCSO Chair Manuel) Morato.

Mismong sina Sen. Panfilo Lacson at Sen. Teofisto Guingona III ay nakakuha ng dokumentong magpapatunay na may mga obispo ngang tumanggap ng donasyon mula sa PCSO, maging ang ilang kongresista.

Ang gagaling ng mga pulitiko at pari natin, di ba?

Para todo-todo na, naalala mo rin ba yung paring nakasakay sa hoverboard habang nagmimisa sa isang simbahan sa Binan, Laguna?

Last year lang ‘yan nabalita, at yung paring involved (see photo below) ay walang iba kundi si Fr. Falbert San Jose ng Our Lady of Miraculous Medal. Andami n’yang nakuhang donasyon para makabili ng hoverboard. O baka naman kumita talaga yung pagbebenta n’ya ng miraculous medal? Miraculous nga!

Alam mo sabi ng CBCP nang malaman nila ‘to? Heto, basahin mo:

Mass is very important, it is the highest form of worship and these kinds of gimmick should not be done. You can innovate, you can be creative, but your creativity and innovation has its limitations. What is important here is the homily, so if you will celebrate mass, you should keep it as solemn as possible.

O di ba? Sa halip na kwestyunin yung pondong ginamit ng pari, mas nag-focus s’ya sa “distraction” dahil sa paggamit ng hoverboard sa homily. May punto naman si CBCP, pero the heck! Yun lang talaga nakita n’yo? Nabulag na ba kayo sa sobrang kinang ng mga ginintuan n’yong chalice at tungkod? Ang myopic ng mga hitad na ‘to.

Alam mo ba kung magkano ang hoverboard? Hindi bababa sa P15,000. Conservative pa ‘ko sa lagay na ‘yan.

Ang kakapal ng mukha! Andaming naghihirap sa bansa, etong mga pari at obispong ‘to, hindi man lang makuhang maging disente. Pinangangalandakan pa talaga yung kayamanan nilang galing sa bulsa ng mga mahihirap at nauuto nilang parokyano. At anong masasabi ng mga parokyanong ‘to? Kundi “Amen,” ano … “Dasal… dasal lang talaga.”

Mga gunggong.

At nasaan na yung mga paring ‘to, aber? Dapat tinanggalan na sila ng “lisensya” noon pa. Dapat na-“disbar” na sila. Anlayo ng pamumuhay nila sa buhay ni Jesus Christ. Mga ipokrito!

Ano nang nangyari sa kanila? Don’t tell me pinagtakpan na rin ng Catholic Church tulad ng ginawa nila sa mga paring nangmolestya ng mga bata sa iba’t ibang panig ng mundo.