Masaya ka? Baka mamatay ka… sana.

by Sankage Steno

I found another reason to not pursue happiness in life. Because, why not?

Nakahanap ako ng scientific study na nagsasabing ang sobrang kaligayahan daw ay maaaring magdulot ng atake sa puso. Oo, totoo ‘yan. Basahin mo sa link na ‘to o dito. Kung tinatamad kang magbasa, pagtiisan mo na lang ‘tong paliwanag ko.

Unang-una, galing ang pag-aaral na ‘yan sa University Hospital Zurich sa Switzerland. Mayamang bansa ‘yon. Di nila pinoproblema ang gutom. So malamang credible ‘yan, kapani-paniwala. Tanungin mo man yung dalawang lead researchers na sina Christian Templin at Jelena Ghadri. Go!

Sabi sa mga balitang ‘yan, hindi lang daw malulungkot na pangyayari sa buhay, tulad ng pagkamatay ng mahal mo o pakikipag-break o yung punyeta mong jowang iniwan ka o yung gagong papaasahin ka lang pero di ka seseryohin, ang nakapagdudulot ng sakit sa puso. Kahit daw masasayang pangyayari, pwede mo na ring ikamatay.

Halimbawa, nanalo ka sa lotto o may nag-surprise sa birthday mo. Ayan, pwede kang atakihin sa puso. O kaya naman, sinagot ka na ng nililigawan mo. Bigla ka na lang kakapusin ng hininga tapos madededo ka sa sobrang saya. Pwede rin namang kapag kinasal ka na sa forever mo. Mismong pagkasabi mo ng “I do” magha-hyperventilate ka, magpa-palpitate yung puso mo, tapos mamamatay ka. Buti nga sa ‘yo.

Kaya kung masaya ka ngayon, ‘wag ka masyadong pakasaya. Baka ikamatay mo ‘yan.

Ayoko mang aminin sa sarili, gusto ko na ring pasalamatan yung mga gago at tarantadong nanloko sa akin, nagpaasa at nang-iwan. Salamat sa inyo dahil buhay pa ako. Salamat sa inyo dahil humihinga pa ako. Salamat sa inyo dahil healthy pa ang puso kong sinaktan, sinugatan at pinaggutay-gutay ninyong mga hinayupak kayo. Mamatay na sana kayo.

Sinong mag-aakalang mapapatunayan ng science na nakamamatay ang kaligayahan? Happiness can kill. Oh, the rich irony! Gusto ko nang maniwalang fair ang mundo. That everything happens for a reason. Na kaya may masasayang tao e dahil gusto na nilang mamatay. Rather, the universe wants to erase their existence.

Thank you, Universe. Truly, you are confidently beautiful, with a heart.

Sana sa susunod ma-discover na rin ng science na lahat ng pusong sinaktan ay mas mahaba ang buhay kesa sa mga taong maagang natagpuan ang kanilang forever at hindi nakaranas ng maraming heartbreaks. Sana mapatunayan ng mga ekspertong ang forever ay kathang-isip lang at para lang ito sa mga mahihinang di kayang tumayo sa sariling paa. Sana malaman mong nandito pa rin ako, umaasa’t nagmamahal sa ‘yo…

Kahit ang sakit-sakit na.

Advertisements