Limang oras kada araw

by Sankage Steno

Sobrang binabagalan ko ang pagsusulat ng mga article dahil ayokong tumengga sa opisina nang tatlong oras.

Noong Lunes kasi, alas-dos pa lang ng hapon e tapos na ‘ko sa mga deliverable ko. Kahapon naman, mas mabilis. Pasado-ala una pa lang, tapos na yung mga dapat kong isulat. Ngayon, mas mabilis pa ‘ko. Pagpatak ng alas dose, nakaapat na ‘kong articles. Nagdagdag ako ng isa para naman hindi ako muntanga lang dito.

Habang tumatagal kasi, napapansin kong mas bumibilis ako sa pagsusulat ng mga balita at clinical research. Mas naiintindihan ko na kasi yung mga jargon at mas nakukuha ko na yung format ng balita. Ang downside nga lang ng paghusay ko sa field na ito e lumalala naman yung boredom time ko. As in!

Hindi rin naman masyadong nakakatulong ‘tong pagsusulat ko rito sa blog dahil nagagawa ko ‘to in 10 to 30 minutes lang.

Ang nangyayari tuloy, nakatunganga lang ako sa harap ng computer o nakatanaw sa view sa labas habang naghihintay ng uwian. Nagbabasa-basa rin naman ako ng mga balita at features sa kung saan-saan, pero even that is not enough dahil, well, mabilis din akong magbasa.

Sinubukan ko na rin yung mga online courses sa Coursera, edX at kung saan-saan pa. May certificate na nga ako sa HarvardX nang makatapos ng isang course. Okay naman s’ya kaso boring din minsan, bukod sa delikado. Baka mahuli ako ng mga tao rito at matsugi. Saka naka-block na ngayon ang videos. Boo!

Nakaka-depress pa naman ang idle mind para sa ‘kin. Kung ano-ano yung naiisip ko na eventually will lead to doomsday, to death, to despair, to destruction, to delirium, to everything-that-starts-with-the-letter-D.

So kesa mag-busy-busyhan ako araw-araw, umisip ako ng bagong libangan para palipasin ang oras. Maliban sa pagsasalsal sa CR at pagpapantasya sa mga crush ko in real life and in fiction, napagpasyahan kong gumawa ng isang matalinhagang Desiderata na iipunin ko hanggang sa makahanap ako ng bagong libangan.

May sarili na ‘kong alphabet na ginagamit since a decade ago. Bibigyan ko na lang ng twist. Sayang at di ko mashe-share dito kasi, well, ako nga yung umimbento ng sarili kong characters. Picturan ko na lang para may sampol ka, okay? Eto o: