Red whine

by Sankage Steno

Panglimang araw pa lang ng April, pasabog na mga balita agad yung sumambulat sa ‘tin. Una yung #KidapawanClash, tapos yung magkasunod na sunog sa UP at UE. Nawalan din ng kuryente sa NAIA-3, at lumabas naman kahapon yung #PanamaPapers na nagsiwalat ng overseas accounts ng mga pulitiko at iba pang sikat na tao sa mundo.

Huwag din nating kalimutan yung pananalanta ng El Nino sa Mindanao at yung patuloy na pagkakahati-hati natin dahil sa eleksyon. Sobrang gulo, ‘no? I call this combined event the El-El phenomenon.

Dahil sa dami ng maiinit na balita, ang iinit din ng ulo ng mga tao sa Facebook, as in. I know, kasama ako sa nagpapainit ng ulo ng iba kong connections sa FB. Impak, may isa na ngang nagalit nang todo sa ‘kin at nilagay pa ‘ko sa blind item(s) n’ya. #SMH

Anyway, naiintindihan ko naman. Divisive talaga ang eleksyon at ang maraming balita lalo na kung may kahalong ideologies na ipinaglalaban. Naiintindihan ko rin na madaling maglabas ng sama ng loob sa social media kesa face to face. Plus, alam din naman nating tayong mga Pilipino ang pinakaemosyonal na tao sa mundo.

So carry on. Release the Kraken in you.

Pare-pareho lang naman tayong biktima ng sistema sa bansa. Pare-pareho lang naman tayong alikabok sa napakalaking universe. (Why bother, di ba?) At pare-pareho lang tayong dismayado sa season finale ng The Walking Dead. Pero ‘wag kang mag-alala dahil in a few weeks, simula na ng panibagong season ng Game of Thrones.

Maliban sa GoT, malapit na rin ang remake ng Encantadia. Honestly, di ko s’ya napanood nang buo dati dahil maka-ABS-CBN ang mga tao sa ‘min, pero gusto ko s’ya lalo na yung opening theme song na inawit ng idol kong si Bayang Barrios. Sana yung parehong soundtrack pa rin ang gamitin sa remake.

Umaasa akong pagkatapos ng tag-init e mababawasan na rin yung init ng ulo ng mga tao sa FB. Hindi kasi ako sanay na maraming galit sa social media. Mas sanay akong ako lang lagi yung galit. Pansin mo naman siguro sa mga sulat ko rito, di ba? (Kung karakter ako sa Inside Out, ang core emotion ko ay si Anger.) Napipilitan tuloy akong maging mahinahon sa gitna ng mga bangayan sa FB. Di talaga ako sanay.

I love living in anger and rancor. It’s like poison in my blood.

Hindi ko naman talaga gustong malason. Gusto ko lang yung pakiramdam na naghihilom yung katawan ko at lumalaban para mabuhay. This is not to say too that I want war, na gusto kong makipagdigmaan sa China. No. Mauna ka kung gusto mo. Dun ka sa front line.

Kapag humupa na ang mga galit sa FB, titigilan ko na ang pagiging mahinahon o level-headed. Ipagpapatuloy ko na ang paghahasik ng poot mula sa kaibuturan ng aking puso. Kaya kayong mga hindi ko pa ina-unfollow o ina-unfriend sa FB, ‘wag na ‘wag kayong magkakamaling maging kalmado. Nag-iipon lang ako ng galit at sama ng loob. Cheers!