Bayot Man

by Sankage Steno

Bakla ka. Oo, ikaw. Ikaw na nagbabasa nito, bayot ka.

Kung hindi ka pa nakakapatay ng tao o kung hindi mo kayang pumatay ng tao, ibig sabihin, bakla ka. Huwag ka nang mag-deny, huling-huli ka na. Bakla ka talaga. Bayot! Welcome to the club, sister!

Kung ako sa ‘yo, lalabas na ‘ko sa closet ko at malayang mabubuhay sa mundong itechiwa. Pero bago ka lumabas sa kloseta mo, mare, pumili ka muna ng bonggang-bonggang outfit mo d’yan (ayos lang kahit pang-drag queen) para naman bonggacious din ang pag-entry mo sa real world. Go for Lady Gaga or Madonna, sister.

Natutuwa akong malaman na ang kabaklaan pala ay nakukuha sa pagiging disente at makatao. Oras na pumatay ka kasi ng kapwa mo, magiging straight ka na tulad ni Duterte. Machong-macho na papa. Ma-chupa pa!

Let me quote him para malinaw:

Si Mar, bayot. Hindi niya kaya. Hindi. Kaya ko [pumatay] kasi lalaki ako. Hindi ka lalaki, papaano ‘yan? Takot kang pumatay, takot kang mamatay.

Ang tagal ko pa namang pinag-isipan nung bata pa ‘ko kung bakit ako naging bayot. Akala ko dahil sa genetics, di naman pala. Kaya pala ako naging bayot e dahil hindi pa ‘ko nakakapatay ng tao. Jusmiyo marimar! Kung maaga ko lang nalaman ‘to, e di sana noon ko pa pinatay yung mga nang-aasar sa ‘kin ng “Bakla! Bakla!”

E di sana tunay na lalaki ako ngayon. Haist.

Kaya pala sabi dati ni Duterte kay Vice Ganda, “Bakla ako noon, na-reform lang.

I’m pretty sure kaya na-reform at naging straight si Duterte e dahil nakapatay s’ya ng tao. Nung mismong pagkabaril n’ya sa taong ‘yon, nag-mutate yung genes n’ya at naging “normal.” Dun s’ya naging isang tunay na lalaki. That is so amazing!

Kaya kayong mga bakla kayo, tigilan n’yo na ang pagpapantasya kay Carrot Man o Cabbage Man o kung sino pang mga papable d’yan. Tama na ang pagga-Grindr at pagpunta gabi-gabi sa O Bar. Kung ayaw mo nang maging Bayot Man, alam mo na ang gagawin mo…

Pumatay ka!