Pahiya ako kay Leni

by Sankage Steno

On a scale of 1 to #LabanLeni, gaano ka kakalmado kapag nakikipagtalo?

Hiyang-hiya talaga ako sa composure ni #VPRobredo kahapon sa #PiliPinasDebates2016 para sa mga tumatakbo sa pagkabise-presidente.

Kung babalikan mo kasi yung mga post ko about Marcos at martial law, baka isipin mong kailangan ko nang lumaklak ng losartan o propanolol sa tindi ng presyon ko sa dugo. E sa galit ako sa martial law, pake mo!

<Hingang malalim> Okay, sinusubukan ko nang i-oversoul lagi sa katawan si #LeniRobredo para maging kalmado rin ako tulad niya. Para sa ‘kin, impressive ang ipinakita n’ya kahapon sa debate.

Kahit kasi tumanggi pa ring kilalanin ni BBM ang mga pang-aabuso noong martial law years at kahit ayaw pa rin n’yang humingi ng tawad, hindi nagpadala sa galit si Leni. Kung ako ‘yon, baka chinokeslam ko na si Bongbong at saka tinombstone piledriver. Ang sarap basagin ng mukha.

<Hingang malalim> In fairness, effective ang pag-o-oversoul ko kay Leni. Pakiramdam ko nasa 110/90 na lang ang BP ko. Kapag kasi nakikipag-away ako sa social media, ang normal BP ko e naglalaro sa 130/100. Borderline hypertension na, ganyan. Pinapatay ko yung sarili ko, ‘no? Pake mo!

Joke! Kalmado pa ‘ko. I still have a long way to go para maging kasingkalmado ni Leni pero unti-unti ay nakokontrol ko na ang aking social media emotion. Oo, sa social media lang ako madalas napopoot. Sa totoong buhay naman, tahimik ako ‘pag galit. ‘Wag mo lang akong ipo-provoke dahil babasagin ko talaga ‘yang mukha mo!

<Hingang malalim> Natutuwa ako dahil bukod sa pagiging kalmado ni Leni, wala ring maibatong masasamang isyu sa kanya yung mga kalaban n’ya. Obviously, wala s’yang bad record sa pulitika. Idagdag mo pa na marami s’yang nagawa para sa mga mahihirap at yung mga nasa laylayan ng lipunan kahit nung di pa s’ya congresswoman sa Camarines Sur.

Medyo nabahala lang ako na dahil walang negative issue kay Leni, wala rin masyadong exposure s’ya kagabi sa debate. Madalas naka-focus kay BBM at Alan Cayetano ang bangayan at palitan ng maaanghang na salita.

Sana maisip ng mga manonood na kaya mas kakaunti ang exposure ni Leni ay dahil malinis ang track record n’ya. At sana napansin nila na marami nang nagawa si Leni at marami pang magagawa kung bibigyan lang natin ng pagkakataon.

Umaasa akong tataas pa s’ya sa mga susunod na survey pagkatapos ng debate kahapon. Pero mas umaasa akong siya ang susunod nating pangalawang pangulo.