Kayong mga Duterte supporters na taga-UP

by Sankage Steno

Ipaintindi n’yo sa ‘kin kung bakit si Duterte ang iboboto n’yo. ‘Wag n’yo ‘kong daanin sa blind item o sa mga status n’yo na puro parinig. ‘Wag kayong duwag. Confront me. Mag-comment kayo sa blog ko o sa Facebook post ko. Let’s have a proper, intellectual discourse about this matter.

Because the truth is, hindi ko kayo maintindihan.

I’ll present my case here. (And I do hope you will present yours as well.)

Una, kampi si Duterte kay Marcos. Sa kanya na mismo nanggaling na si Ferdinand Marcos e idol n’ya, at kung di raw n’ya magagawang sugpuin ang krimen in 3 to 6 months, magre-resign s’ya at ibibigay ang pwesto kay Bongbong.

Hindi pa ba sapat ‘yan para hindi s’ya iboto? Ano, tanga lang? Naniniwala rin kayo na golden age ng Pilipinas ang martial law years? Ayos lang sa inyo kahit hindi kinikilala ni BBM ang mga pang-aabuso noon at hindi s’ya hihingi ng tawad? Ayos lang sa inyo na maging pangulo si BBM kapag hindi nagtagumpay si Duterte sa pantasya n’yang sugpuin ang kriminalidad sa loob ng anim na buwan?

Pangalawa, nasabi ko na, naniniwala talaga kayo sa pangako niyang lulutasin n’ya ang suliranin sa krimen in 3 to 6 months?

Alam naman nating imposible ‘yon, historically, politically and statistically speaking. Mahigit dalawang dekada siyang namuno sa Davao City, crime-free na ba ang lunsod n’ya? Hinde.

Sa pinakahuling datos ng PNP, pang-apat ang Davao sa may pinakamaraming index crimes. ‘Wag mo sabihing mas malaki ang Davao kumpara sa iba o mas kaunti ang populasyon n’ya. Ang punto ko rito, nangangako si Duterte na gagawin n’ya sa Pilipinas ang ginawa n’ya sa Davao. Ano, patataasin din n’ya ang murder, theft at rape cases sa bansa?

Pangatlo, payag si Duterte na sumuko sa China. Oo, sabi n’ya willing daw s’ya to “shut up” about the West Philippine Sea issue. Matapos ang mga paghihirap ni Sec. Del Rosario na ilaban ang kaso natin sa UN tribunal, susuko lang s’ya? Akala ko ba matapang s’ya? Nasaan ang bayag n’ya sa usaping ito?

Kung hindi n’ya ipaglalaban ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, paano mo masisigurong ipaglalaban din n’ya ang karapatang-pantao natin? Oh well, di nga pala s’ya naniniwala sa basic human rights. Because Davao Death Squad.

Pang-apat, wala s’yang malinaw na plano sa bansa. Ang laging bukambibig lang n’ya sa mga debate at interview ay papatayin n’ya ang mga kriminal at drug pusher. Puro tungkol sa krimen. “My god, I hate drugs.” Wew. Anong plano n’ya sa ekonomiya ng bansa? Sa pagpaparami ng trabaho? Sa climate change? Sa terorismo? Sa relasyon natin sa ibang bansa? Sa transportasyon? Sa NPA?

Ayan, pinadali ko na sa ‘yo. Alam kong marami kang maibibigay d’yan sa mga nabanggit ko. So please, enlighten me. Hindi n’ya kasi sinasagot ‘yan sa mga debate. Puro pa-macho shit lang s’ya kundi man manggagaya ng plataporma ng iba. Wala ba s’yang staff o advisers?

Panlima, kakampi s’ya ng mga komunista. Nagbabayad si Duterte ng revolutionary tax sa mga miyembro ng NPA. No wonder kakampi n’ya ang mga ito. In a way, pinopondohan n’ya yung mga rebelde para hindi manggulo. He’s a communist coddler.

So pa’no? Titigilan na natin ang demokrasya at gagawin na lang komunista ang gobyerno natin? May plano ba ang mga komunistang ‘to kung sakaling magtagumpay ang rebolusyon nila laban sa pamahalaan? Ni hindi nga sila sumama sa mga Pilipinong lumaban kay Marcos noong EDSA People Power Revolution e. Sarili lang din nila ang iniisip nila, walang pinagkaiba sa maraming pulitiko sa bansa.

O ngayon, bakit mo pa rin iboboto si Duterte? Magpaliwanag ka. Ipaintindi mo sa akin. Usap tayo.