Daang Madugo

by Sankage Steno

Puking ina mo! Taga-UP ka ba talaga? Bobo! Sino ka ba sa tingin mo? Bakit kailangang magpaliwanag kami sa iyo? Mag-research ka! Di ka na lang magbigti? Bakit di ka pa mamatay? ‘Pag nakita kita ipapabugbog kita!

Iyan po ang buod ng karamihan sa mga sumagot sa blog ko noong Martes. Pero marami rin naman ang matatalinong puna sa isinulat kong ‘yan kaya natutuwa ako talaga. Putang ina! Ang dami na namang napadaan sa blog ko. Shet! (Sorry, nahawa lang kay/sa mga tagasuporta ni Digong.)

Ilang paglilinaw muna:

  • Hindi ko pinagkakakitaan ang blog na ito kaya kahit umabot pa sa isang milyon ang hits ko, wala akong makukuha ni isang kusing.
  • Hindi ko rin ginamit ni minsan ang salitang ‘Dutertard’ dito kaya ‘wag kayong mag-assume na gano’n kayo. ‘Wag, please.
  • Single ako, 5’10”, chinito, open to dating/right now/relationship.

Isa sa mga dahilan kung bakit ko nasulat ang nabanggit na blog ay dahil sa napakaraming Dutertar… este, Duterte supporter na nambu-bully ng mga taong hindi pabor sa kanilang kandidato. I’m giving you a taste of your own medicine. You like it? Good.

Kung ngayon pa lang, natatakot na ang mga taong magsalita laban kay Digong dahil baka i-bully sila o pagbantaang papatayin ng mga supporter n’ya, pa’no pa kapag nanalo na s’ya bilang pangulo ng Pilipinas? Lalo lang lalaki ang ulo ng mga kampon n’ya. At lalo lang kaming patatahimikin.

Ano ‘to, martial law ulit? Nanakawin na naman ang aming kalayaan sa pamamahayag? (Take note, wala akong comment na hinarang o binura kahit pa walang kwenta o nakakasakit. Free speech, baby. Walang ganyan noong panahon ni Marcos.)

Kaya, in a way, pampalakas din ng loob ‘to sa mga silent majority.

Pangalawa, nasabi ko naman, gusto ko ngang maintindihan ang pag-iisip ng mga tagasuporta ni Digong kung bakit s’ya pa rin ang pinili nila sa kabila ng mga imperfection n’ya. Parang kulto na kasi ang dating n’yo sa ‘kin o parang mga tagasuporta ng INC. Ngayon mas malinaw na sa akin kung bakit. Maraming salamat sa inyo.

Narito ang ilan sa mga nakuha kong sagot ninyo:

  • Totoong tao si Digong.
  • Hindi siya corrupt.
  • May political will siya.
  • Kapakanan ng bansa ang inuuna niya.
  • Peace and order
  • Federalism

Na kaya kong paikliin sa isang salita lamang:ย Pagbabago.

Karamihan sa mga pumuna sa blog ko ay gusto ng pagbabago. Madaling intindihin ‘yon. Sawang-sawa na sila sa mga kriminal, sa kahirapan, sa matinding traffic, sa korapsyon, sa kawalang-disiplina, sa gobyernong mapang-alipin. Tama ba ‘ko? Tangina na naman e. Sumagot ka! (Oops, sorry. Nakakahawa talaga si Digong.)

Ang tanong, pagbabago ba talaga ang kailangan natin? At ano o sino ba dapat ang magbago? Kung ako ang tatanungin, I prefer continuity over change.

Isa pa, paulit-ulit na nga, willing ang karamihan na isakripisyo ang buhay ng ibang Pilipino basta para sa ikatatahimik at ikauunlad ng bansa.

Ito ang isang bagay na hirap talaga akong tanggapin kay Duterte. Life is not cheap. Kung hindi man tayo pantay-pantay sa buhay, sana man lang sa batas pantay-pantay tayo. Ngayon, kung ang batas ay nasa kamay ng death squad o ng isang tao lang, sinong mambabatas sa kanya?

Mas gusto kong tumulong sa pagsasaayos at pagpapatibay ng daang matuwid kaysa lumipat sa daang madugo.


P.S.
Noytard/Yellow Army/Elitista comments in 3… 2… 1…

Advertisements