Change is coming

by Sankage Steno

Para sagutin ang inyong intellectual comments sa aking blog, I will stoop down to the communication level of your leader and role model. Yes, I’m officially embracing the style of your savior. So shall it be.

DUTERTE, oversoul sa katawan ko!

—–
—–
—–

Putangina ninyong lahat na mga umaaway sa ‘kin sa blog ko. Akala n’yo ba matatakot ako sa mga pagbabanta n’yo sa buhay ko? Akala n’yo ba palalampasin ko ‘yang mga pambu-bully ninyong mga kampon ni Duterte? Mga ulol.

Hindi ako tulad ninyong mga duwag na nagtatago sa alias na ‘Someone’ o ‘Anonymous.’ Don’t me. May contact info ako sa Tungkol page. Porke pinuna at kinwestyon ko lang ‘yang idol n’yo, galit na galit na kayo? Miyembro ba kayo ng kulto? Ano bang pinakain sa inyo ng Duterte na ‘yan at ganun na lang kung ipagtanggol n’yo s’ya? Bakit di n’yo na lang din kaya himurin ‘yung pwet n’ya? Assholes.

Tapos tatanungin n’yo pa kung talagang taga-UP ako? Wow. Bakit? Dahil ganito ako magsulat? Dahil ganito ako magsalita? Kayo ang hindi taga-UP dahil hindi n’yo alam kung pa’no magsalita si Prof. Lanuza o si Atty. Avecilla. Mga gago. Nincompoops. O, alam mo ibig sabihin n’yan? Uy, maggu-google na s’ya.

Para sabihin ko sa inyong mga kampon ni Duterte, 2004-322**.

O, na-gets n’yo? Malamang hindi kung hindi ka taga-UP. At kung taga-UP ka man, ngayon alam mo nang taga-UP talaga ako. FYI, bago pa nagtaas nang triple ang tuition sa UP, patapos na ‘ko. Centennial graduate ako, cum laude. At hindi ako delayed. Hindi ako pasang-awa at mahilig mag-cut ng klase tulad ng idol n’yong si Duterte.

Ay, cum laude lang. O, ano ngayon? Sinabi ko bang ako ang pinakamatalino sa UP? Tanga. Matalino ako, period.

Kayo namang mga nagsabing bobo ako, hiyang-hiya naman ang Filipino fluency ko sa inyo. Wow. Ako pa talaga ang tinawag n’yong bobo? Kung naintindihan ninyo ang sinulat ko sa blog, at kung nagalit o nainis kayo sa nabasa n’yo, ibig sabihin, napagana ko ‘yang isip n’yo. Ibig sabihin, maayos at malinaw kong naiparating ang mensahe ko. Hindi katulad ng mga comment ninyong tadtad na nga ng spelling at grammatical errors, puro fallacies pa. Puro ad hominem, parang ganito, dumbass.

Sinong bobo sa ‘tin ngayon? Bobo.

Kayo namang mga nagsabing mag-research ako, siraulo ka ba? Ano ba ‘yung mga impormasyon at link na nilagay ko sa blog ko na ‘yon? Tingin mo gawa-gawa ko lang ‘yon? Fiction, ganyan? Gunggong. Ano gusto mong gawin ko, mag-thesis tungkol kay Duterte? Blog po ito, hindi academic paper. Kung gusto mo ng academic paper, pumunta ka sa Main Library namin sa UP. May kopya sila roon ng 1.25 kong solo thesis. Ikaw, tapos ka na ba sa thesis mo? Tamad na, pulpol pa.

Ayan, sa dami ng panlalait n’yo sa ‘kin, di ko na nasagot ‘yung kakaunti n’yong intellectual comments. Mga tarantado kasi. Intellectual my ass. Sa susunod, pataasin n’yo muna ‘yang IQ n’yo bago ako sabihan ng bobo o tanga. Try 130 to 150. At kung napikon ka sa mga pinagsusulat ko rito, pataasin mo na rin ‘yang EQ mo para hindi ka masyadong balat-sibuyas.

DUTERTE, out!

—–
—–
—–

Pasensya na. Naubusan na ‘ko ng furyoku. Ayos ba? Kuhang-kuha ko na bang magsalita si Duterte? I think I need more practice. Hindi pa kasi ako masyadong bigoted at misogynistic sa pagsasalita. Sa next blog ko siguro tatadtarin ko naman ng sexist remarks. Indeed, change is coming … for the worse.